Chapter 31

272 11 3
                                    

Enjoy reading, Sweeties

Titig na titig si Sweetness sa kan'yang mga plates na kailangan niyang maipasa ngayong araw subalit hindi pa niya nakukumpleto lalo pa't hinayaan niyang magluksa ang kan'yang puso.

Napasabunot na lamang sa kan'yang buhok si Sweetness at napabuntong hininga. Nais na niyang pumasok subalit nagdadalawang isip siya. Hindi pa tapos ang mga ganap na kasiyahan sa University niya ngunit wala naman siyang balak na magsaya.

Napatitig na lamang siya sa kan'yang sarili sa harapan ng salamin.

"Ang pangit mo, Sweetness," mahinang saad niya dahil kitang-kita niya ang pagkawala ng buhay sa mukha niya nitong mga nakaraang araw.

Nangingitim ang ilalim ng mga mata dahil kulang sa tulog, tuyo at nagbabalat ang mga labi dahil kulang na kulang sa tubig, at pansin niya rin ang pagtuyo ng mga balat niya.

Apat na araw lang subalit ganito na agad ang naging apekto sa kan'ya.

Madiin siyang napapikit bago dahan-dahan sa tumayo at inayos ang sarili sa harapan ng salamin. Nilagyan niya ng kaunting kulay ang mga labi niya upang maitago sa lipstick na ginamit ang pamamalat no'n.

Tumayo na lamang siya at sinubukan na gawin ang isa pang plates.

"Ipasa kung hanggang saan ang kaya," mahinang saad niya. Wala mang motivation ngayong araw ay nagsimula niyang igalaw ang kan'yang kamay upang puminta. Nang marinig ni Sweetness ang alarm sa phone na senyales na oras na para gumayak siya ay napabuntong hininga siya.

Hindi man lang kumalahati ang natapos niya subalit tinipon niya pa rin ang mga plates niya at inayos upang maipasa na mamaya.

Nang tuluyang mapagdesisyonang pumasok ay labis ang pagdarasal niyang hindi makita si Josh o si Cassie. Hindi pa siya handa para sa bagay na 'yon.

Maingay pa rin ang buong university lalo't hindi pa tapos ang mga palaro. Dumeretsyo na lamang siya sa office upang maipasa ang mga plates niya. Nang makita ang mesa ni Architect Zhou ay ibinaba niya ang mga plates niya sa mesa. May mga nauna nang nagpasa.

Balak man isa-isahin 'yon ni Sweetness ay hindi na natupad lalo't sayang sa oras. Gusto niyang umuwi agad upang matulog ulit.

Nang tuluyang makauwi ay hinayaan niyang lamunin siya ulit ng kan'yang isipan at nagpahinga. Nang magising ay cellphone agad ang kinuha niya at napabuntong hininga sa nabasa sa kanilang group chat.

Danie Zhou: Incomplete final outputs
@Sweetness Villanoza
@Mafe Villarin - Failed Due To Absences
@Gabriel Yuson

No final outputs
@Joshua Mercadez

Danie Zhou: I'm giving you one more week to complete your final plates. But there is a deduction for being irresponsible.

Walang final outputs si Josh? Imposibleng wala dahil sabay pa silang gumagawa no'n, hindi natapos pwede pa pero mukhang hindi nito ipinasa ang outputs nito.

Napasabunot si Sweetness nang muling inalala si Josh kaysa ang sarili niya.

Kailangan niyang maihabol ang mga hindi niya naipasa kundi ay mawawala siya sa Latin Honors oras na magkaroon siya ng kahit 2.50 ka kan'yang grades.

Kahit na tinatamad ay pinilit ni Sweetness na gawin ang mga pending niyang gawain pagkatapos niyang ngumiti ng dispensa sa kan'yang professor through private email.

Nang makaramdam ng gutom ay bumaba siya upang makapagluto subalit hindi niya gusto ang lasa ng pagkain na iniluto niya kaya napagpasyahan niyang lumabas kahit madilim na subalit nagtaka siya nang paglabas siya ay nakita niya ang kotse ni Josh sa parking lot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Kryptonite 1: Fernando Joshua Mercadez Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon