Chapter 08

497 18 2
                                    

Mush Read!

Grabe, namiss kong mag-update guys, pero dahil nga busy sa capstone at sa research paper nitong nakaraang buwan ay tumigil ako sa pagbabasa at pagsusulat dito sa wattpad.

Pasensiya na talaga guys.😷

Pipilitin kong makapag-focus kay Josh at sa ilalabas ko pang stories para sa inyo.

Meron din po pala ako sasabihin.

Siguro ay maiintindihan niyo ako. May account na po ako sa Dreame sana katulad ng pagsupport niyo sa akin dito sa wattpad ay suportahan n'yo din ako sa mga ilalabas kong kwento sa Dreame, gano'n din ang aking penname.

SweetAga16


Suportahan niyo sana ako do'n at dito sa wattpad. Don't worry, mag-uupdate pa rin naman ako dito sa wattpad eh, madami pa akong ilalabas na kwento rito.👌💜


Enjoy Reading:)

PILIT NILABANAN ni Sweetness ang kagustuhang lumapit kay Josh, dahil sa nangyari 'nong nakaraang araw. Hindi niya lubos maisip na mas bumaba ang tingin niya sa kanyang sarili.

Naglalakad siya papunta sa office ni Professor Matias. Ipapasa niya ang plates na pinabago nito.

Lutang lang siya at lahat namg sinasabi o pinapaliwanag ni Professor Matias ay kusang lumalabas sa kabilang tenga niya at walang kahit isang pumapasok sa isip niya.

"Sweetness," tawag ni Prof kaya napatingin siya.

"P-prof..." Tinignan niya ang plates na pinasa niya at gano'n na lang ang gulat niya nang nakita niyang halos buong plates niya ay may bilog na pula na may ibig sabihin ay mga babaguhin o mali.

"Nagpatulong ka ba kay Josh? Ngayon ko lang na-check ang plates mo, ngayon ka lang din pumalya sa mga lines and ideas," sabi nito kaya halos mapahiya si Sweetness.

Gustong ibaon ni Sweetness ang sarili dahil nga hindi siya nakapagfocus sa paggawa ng plates para sa project niya.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong sa kanya ng kanyang professor.

"Sorry, prof. Babaguhin ko na lang po," sabi niya kaya walang nagawa ang kanyang professor kundi tumango at binigay ang plates niyang mukhang paghihirapan na naman niyang baguhin.

Lumabas siya sa opisina ng professor niya at lutang na naglalakad habang hawak-hawak ang plates niyang na-reject na naman.

Paulit-ulit pumapasok sa utak ni Sweetness ang ginawa ni Josh sa kanya at kung paano siya nag-init ng gabing 'yon. Nababaliw na siya.

Bumaba man ang tingin sa sarili ay hindi niya mapagkakailang nasarapan siya sa ginawa ng binata. Hindi niya alam na kaya palang magpainit ng ganoon ni Josh.

May panibago na naman siyang nalaman sa binata. Alam kaya ni Cassie? Ginawa na ba ni Josh 'yon kay Cassie? Paulit-ulit na tanong niya.

Gusto niyang iumpog ang ulo sa pader para pakalmahin ang sarili dahil hindi niya makalimutan ang gabing pagtataboy sa kanya ni Josh, samantalang binaliw naman siya nito, kakaisip sa nangyari.

Lutang si Sweetness habang naglalakad sa hallway para pumasok sa susunod na klase niya. Makikita na naman niya si Josh at iinit na naman ang mga pisngi niya.

His Kryptonite 1: Fernando Joshua Mercadez Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon