Chapter 24

655 23 14
                                    

Enjoy Reading:)

PUMASOK si Sweetness na mabigat ang loob. Iniyak niya lahat kaninang naliligo siya. Wala siyang balak pumasok pero wala naman siyang balak na ibagsak ang grado niya kaya pinilit niya ang sarili na pumasok ngayong araw.

Namamaga pa nga ang mga mata niya dahil sa labis na sama ng loob.

May karapatan naman siya, hindi ba? Silang dalawa ni Josh. Nobyo niya ang binata kaya meron siyang karapatan — binigyan siya ng karapatan.

Hanggang kailangan siya gaganituhin ng binata? Hanggang kailan siya magiging pangalawa rito?

Bakit hindi ito umuwi sa kanya kagabi? Nangako ito pero napako pa rin 'yon.


Nagsisimulang magklase ang prof niya nang makita niyang pumasok si Cassie. Late ito, second sub na ngayon wala pa rin si Josh at Cassie.

Mas bumigat ang pakiramdam niya kaya inayos niya ang salamin na suot bago yumuko. Nakita niya kasi nakangisi si Cassie habang papalapit sa pwesto ng mga kaibigan nito.

Magkasama ang dalawa kagabi, si Josh at Cassie. Anong ginawa ng dalawa? Hindi niya maiwasan na kabahan at mag-isip ng kung ano-ano dahil si Cassie lang naman ang unang minahal ni Josh. Siguro siyang malaki ang laban nito kapag nagkataon.


Napatingin siya sa katabing upuan nang may umupo do'n. Tila mas sinaksak ang puso niya si Josh na nangungusap ang mga mata.

Halatang nagmamadaling pumasok.


"Sorry."


Iniiwas niya ang tingin dito at binalik ang paningin sa harapan kung saan nagle-lecture ang prof nila.


"Sweetness," mahinang tawag nito sa pangalan niya kaya mas nasaktan siya.


"Makinig ka," malamig na sabi niya.


Masyado niyang mahal ni Josh kaya natatakot siya na maging kaawa-awa dito at bigla niyang tanggapin ang ipapaliwanag nito kung nagkataon.

Ayaw niyang marinig ang kahit na anong salita mula sa bibig ng binata.

Alam niyang bibigay siya. Ayaw niya namang sanayin ang binata sa karupukan niya. Mahal na mahal niya ito pero pwede bang sarili naman niya muna ang isipin niya? Panay ibang tao na lang.

Nakakapagod rin maging mabuti habang ginagawan ka ng masama.


"Let me explain, Strawberry."


Hindi niya ito pinansin at kunwari ay nagte-take note siya sa mga sinasabi ng prof nila.


"Love, please, let me explain. Kag---"


"Explain for what?" Tinignan niya ang nangungusap na mga mata nito. Ang mga mata nito na nagpapabilis ng tibok ng puso niya tuwing magkakasalubong ang mga paningin nilang dalawa.



"Strawberry..."


"For what, Josh? For not keeping your promise?" mahina niyang tanong. Umiwas siya ng tingin dito, "or because you cheated on me? That's call cheating right? Cassie was with you last night... pinayagan kitang sumama sa kanya kasi sabi mo babalik ka... hindi ka bumalik Josh. Walang text o tawag mula sa 'yo habang ako na sinasabi mong nobya mo hindi nakatulog kakahintay sa 'yo."



Hindi naman ito nagsabi kaya tinignan niya ito. Nakita niyang nakayuko si Josh kaya natawa siya.



"Have you come back to her again? Nagkabalikan na ba kayo?" she asked coldly but deep inside, Sweetness killing her self because of pain.


His Kryptonite 1: Fernando Joshua Mercadez Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon