Chapter 12

535 22 4
                                    

Gusto ko talagang makabawi kaya nadadalas ang pag-update ko para matapos na din agad...😂

Pero medyo malayo layo pa tayo sa wakas mga bebe.☺

Abangan natin kung sino endgame ni Josh. Bigyan na natin ng eksena ang iba pang mga character.😍

HAPPY 2K+ READS DITO SA STORY NI JOSH...😍

Salamat sa suporta...😘


Babush... Type ulit for chapter 13 para mapublish ulit...

Kita kita sa chapter 13 mga bebe ko.🤡

Bye!



Enjoy Reading:)

KINAKABAHAN SI SWEETNESS na pumasok sa mansyon ng Tito Simon niya. Pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari ngayon.


Wala silang pasok ngayon. Dalawang araw na siyang nilalayuan ni Josh, at masakit 'yon. Kahit na anong tawag niya rito ay hindi siya nito kinakausap. Medyo ayos naman na ang pakiramdam niya.

Nakatulong naman ang pain reliever na inunom niya nitong nakaraang araw.

Hindi na gano'n kasakit ang pagkababae niya.

Ayos na kung tutuusin.

Ang kinakatakot niya ay pati si Cassie ay hindi man lang siya pinapansin, hindi man lang siya nito sinusugod. Nakita nitong magkasama silang dalawa ni Josh. Gabing-gabi.


Napahawak sa sentido si Sweetness. Kinakabahan siya, paano kung nagsumbong sa Tito niya si Cassie? Ayaw naman niyang kung anong isipin sa kanya ng nag-iisa niyang pamilya.

Baka hindi na siya nito pagkatiwalaan kapag nalaman nitong umuuwi siya sa condominium niya ng gabi at may kasamang lalaki.

Alam din naman niyang galit sa kanya si Cassie.

"Sweetness, nandito ka na." Napatingin siya sa tito niya kaya agad siyang ngumiti kahit na kinakabahan siya.

"Magandang tanghali, tito."


"May hinihintay lang tayo ngayong bisita. Magpahinga ka na muna sa kwarto mo," sabi nito at ngumiti sa kanya. "Ipapatawag na lang namin kayo ni Cassie kapag kakain na."


Tumango naman siya at nagmamadaling umakyat sa kwarto niya pero nasalubong niya ang tita niya na pababa sa hagdan.

Kung para sa kanya lang ay ayaw na muna niyang umuwi rito. Natatakot siya sa pwedeng mangyari at sa masasakit na salitang matatanggap niya pero hindi naman pwedeng tanggihan ang imbitasyon ng Tito niya.


"Magandang tanghali, tita," mahinang sabi niya.

Hindi siya pinansin nito at deretsyo lang sa pagbaba.

Napabuntong hininga siya. Kahit kailan ay hindi aamo ang tita niya sa kanya.


Papasok na sana siya nang hawakan ni Cassie ang braso niya.

"Sa tingin mo ay tapos na ako sa 'yo?" malamig na tanong ng pinsan sa kanya. "Ang lakas talaga ng loob mong kalabanin ako at magpakita pa sa akin dito."

"Cassie, I do not know what you're saying," sabi niya rito at napabuntong hininga. "Wala namang kayo."



"Sigurado ka ba? Are you sure, Sweetness? Is the words 'we don't have a relationship' a basis for you to be a fool?" Cassie asked, coldly.




His Kryptonite 1: Fernando Joshua Mercadez Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon