Chapter 3

2.1K 48 52
                                    

Crizza's Point Of View: Be me

My legs were shaking as hell, they've been hurt along the process kanina ko pa nga rin sinusubukan ayusin ang lakad ko but ate Hannah seems not so happy to see me walking like a penguin.

"Just-Just take a rest! I'll be back in thirty minutes, make sure you already get the proper rest." Sabi ni ate bago ibaba ang kaniyang ballpen at saka tumayo bago ipamulsa ang mga kamay at buntong hininga ng umiiling palabas.

Joyce and I looked at each other as we both laughed bago niya napag desisyunang tulungan akong tanggalin ang heels, Joyce and ate have been friends since before but the difference is hindi overpressure kung magturo si Joyce.

Kinuha ko ang takong ko at muli pang sinilip iyon before I sighed.

"Ang hirap naman nito Joyce, wala bang ibang takong?" Reklamo ko habang pinagmamasdan ang sinuot kong kaninang sapatos, hindi ko alam kung anong inch 'to pero hindi ko talaga kaya ang taas, parang lahat ng weight ko ay nandito at masakit siya gamitin.

Joyce laughed as she get some pad liners for my foot dahil nagka paltos rin ako kaka practice.

"Ganiyan ho kasi ang mga sinusuot ni Ms. Hannah kaya ayan ang pinasuot niya." Sabi nito ng magalang sa akin habang nilalagyan ako ng pad liners sa may paltos ko para sa susunod na gagamitin ko ang takong ay hindi gaano kasakit.

Masyadong fashionable kasi si ate Hannah, she can't live without her fashionable accessories, footwear and clothes. Halos lahat ng gamit niya ay tungkol duon, aside from being actress ay model din siya so I think hindi na rin nakakapagtaka.

I spend whole thirty-minutes by just resting my feet and using my phone, medyo mahapdi pero mas gumaan naman ang pakiramdam ng paltos ko when it has a protection na rin.

Maya-maya ay nadinig namin ang pagbubukas ng pinto kaya naagaw ang atensyon ko, duon sumalubong ang naka ngiting kapatid ko habang tinatanggal ang mamahalin niyang shades.

"It's so fun right? Para kalang naglalaro ng dress me sa ipad." Aniya niya bago maglakad para umupo sa tabi ko, sinimangutan ko siya bago tanggalin ang atensyon ko sa cellphone.

"Anong fun ka diyan? Ang damit mo hapit, mataas na takong at makakapiling make up lang naman ang nakalagay sa akin, ginagawa mo naman akong multo." Reklamo ko, nakita ko ang irap niya at pag buga niya ng hangin sa ere bago ako sagutin.

"Shut up okay? Kung mag rereklamo ka lang diyan paano mo makikilala ang sense of fashion? Hanggang kasal ka lang naman nagpapanggap so... don't fall in love okay?"

Paulit-ulit ko na nadidinig sakanya ang 'don't fall inlove' na litanya niya pero hindi ako kumbinsido, alam ko naman na gwapo si Range, nakikita ko sa magazines at sa mga soap operas pero hindi ko siya type. Mas gusto ko parin iyong lalaking simple lang din ang taste pero may stable life.

Si Will? No! No! No!

Mas gugustuhin kong tumanda ng dalaga kesa naman sa mapapangasawa ng pumapatay. Mamaya dead on arrival na ako abutan sa bahay namin tapos cause of death sinakal gamit ang tissue.

"Huy! Ang lalim naman masyado ng iniisip mo, mahal na Crizza." Usiyoso ni Dane habang nag titiklop ng mga ibang gamit ko, I'm moving to my sisters apartment, at siya naman ang sa bahay. Like what she've said ay mas fashionable siya pag dating sa sarili and surroundings kaya lahat ng iyon ay pag aralan ko which I fully regret now.

Ultimo kape niya ay may sariling timpla, hindi uso ang sachet na 3 in 1 like Nescafe. Maarte.

Napabuntong hininga ako nang mapagtantong hindi naman pala ganun kamalas ang buhay ko roon, may offer kasi siyang nilagay for my 'me' time at mga pagkain kaya mabubuhay na ako roon ng hindi man lang nakakaramdam ng boredom.

Secret Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon