Chapter 10

1.7K 31 4
                                    

Chapter 10

Ang hinala.

Pumunta kami sa store kung saan siya nag pa reserve, mahal ang binili niyang singsing hindi ko rin naman ieexpect na mumurahin lang ang singsing kasi nga ma pera, hindi maalis ang tingin ko sa singsing, napakaganda kasi bagay na bagay sa kulay ng balat ko.

"You really like it huh?" Tanong niya, ngumiti ako at saka tumango, sobrang ganda kasi. Hindi ko sinasabi na akin na ang singsing na 'to pero parang gusto ko angkinin.

"It suits you well, akala ko nga hindi e' kasi last time I knew your fingers were little big." Sabi niya habang naglalakad kami at tinititigan din ang kamay ko, hindi naman siguro kahina-hinala pati daliri kaya hindi na ako nag panic.

Agad kaming kumain sa restaurant, hindi kasi kami kumain kaninang pag alis kaya we're both suffering hunger, wala akong imik na umupo sa upuan habang tinititigan ang menu, lahat masarap e' bawal all? Pumili si Range ng kanya at saka ako hinihintay. He's been waiting also the waitress.

"Hannah?" Pag aagaw niya sa atensyon ko, tumingin ako sakanya at saka naiilang na inabot sakanya ang menu, his eyebrows frown while looking at me. "Wait lang Miss ah? Don't you want the food here? We could go to the other restaurant." Sabi niya habang hinahaplos ang kamay ko.

"H-Hindi s-sa ayaw. Hindi ako makapili kasi apat yung gusto ko." Sabi ko sabay turo sa mga napili ko, he laughed.

"We can order all of that, ba't ka nahihiya? Miss, one dinuguan, kare-kare, tempura and fish fillet." Sabi niya habang hinahaplos ang kamay ko, ngumiti ang babae at saka nagsimulang isulat sa papel ang sinabi niya.

"Any drinks sir?" Tanong niya, tinitigan ako ni Range.

"One orange fruit shake soda." Sabi ko, ngumiti ang babae at ganun din si Range, inulit niya sa amin ang orders kaya nang ma confirm ni Range na tama lahat ay agad kumilos ang babae, tahimik lang ako nag so-scroll sa cellphone ko nang biglang may lumapit saakin.

"Crizza?" Pag aagaw niya sa atensyon ko, nang makalingon ako ay napatakip siya ng bibig. "Omg Crizza it's me Jenniffer." Sabi niya at saka ako niyakap, Range looks curious about her at para siyang may gustong sabihin.

"Sorry Miss, I think you got a wrong person, she's Ms. Hannah Marie Verdin." Sabi ni, Range halos manlaki ang mata ni Jenniffer nang makita si Range, tinapik niya ako.

"Omg hi! Fan na fan ako, hoy ikaw Crizza nag de-date ba kayo, ang lakas mo maka bingwit ah." Tuloy tuloy niyang sabi, how to get out in this hella shit? Napa buntong hininga ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Nagpapicture siya kay Range pero parang nanghihingi naman ng sagot ang mga mata ni Range. Maya-maya ay nag ingay na naman siya at nag ku-kuwento ng kung ano-ano.

"Wrong? Paano naman ako magkakamali nan Range, e' kaklase ko siya sa pangasinan, nga pala ba't hindi kana pumapasok?, ang taray mo last time I called ah? nagbago ka ata ngayon, ganiyan ba pag naalagaan ng artista? Ayiee ikaw ah!" Pinanlakihan ko siya ng mata, hindi parin siya matigil sa kadadal-dal, hay nako.

"Miss, I don't think my fiance' knows you, she ain't Crizza but Hannah." Sabi ni Range at saka naiilang na umiwas ng tingin, Jenniffer grinned on me, sinenyasan ko siyang umalis na pero hindi niya nagegets, napa facepalm ako sa hirap sumenyas.

"Imposible talagang hindi ikaw si Crizza, kamukhang-kamukha mo siya." Mas lalo akong napabuntong hininga, I have no choice but to make her feel unwanted.

"Sorry Miss, you really got the wrong person. My name is Hannah Marie Verdin, maybe you're talking about my sister." Sabi ko, napa takip siya ng bibig at saka nag sabing 'weh' tapos ako naman palihim na sinasabing umalis na siya.

Secret Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon