Chapter 20

2.3K 27 0
                                    

Regrets

Naghilamos ako at saka inayos ang mukha bago lumabas ng C.R nakita ko si Range na kausap pa rin ang nasa telepono, ramdam ko ang kaba habang papalapit sakanya, baka dahil sa panaginip ko kanina. "Range?" Tawag ko sakanya, hindi siya lumingon saakin.

"Matulog ka ng maaga Hannah." Aniya nito na parang wala sa mood, hindi ko na siya hinawakan at baka napagod lang siya. Tumango nalang ako at saka ngumiting papaakyat sa guest room. Hindi ko na namalayan ang oras, gabi narin pala.

Humiga ako sa higaan ko, ilang araw naring walang paramdam si Will at ate Hannah. Ilang saglit ay naramdaman ko ang unti-unti kong pag-pikit ng mga mata, pipikit na sana ako nang marinig kong mga basag mula sa baba, agad akong tumayo at saka tumakbo pababa ng hagdan duon ko nakita si Range na nagbasag ng wine.

"Range! Anong nangyayari sa'yo?" Sigaw ko at saka tumakbo pababang hagdan at hinawakan ko ang pulsuhan niya, nagulat ako nang itulak niya ako sanhi na mapadapa ako sa sahig, pero hindi ko 'yon ininda.

"What's happening?!" Tanong ni Tita, tumayo ako at saka nag pagpag.

"Wala ho baka-b-baka pagod sa trabaho si Range." Aniya ko, Range look at me madly, I could see the anger in his eyes, nagulat naman ako sa naging reaksiyon niya saakin, anong nangyayari? tinitigan niya lang ako at saka kumamot ng noo.

"B-Bakit ganiyan ka maka tingin Range?" Tanong ko, nagulat ako nang mag hagis nanaman siya ang vase na nasa sala.

"Anak ano bang nangyay-"

"All this time you are lying to me." Bulong ni Range, biglang kumabog ang dibdib ko... He knows? Nanginig akong nakatingin sakanya, kinapitan niya ako sa braso at saka ako tinitigan sa mata, ramdam ko rin ang tingin ng mama niya.

"Range mag eexplain si ate Hannah sa'yo..." Wala na akong magawa kun'di ay mag sabi ng totoo, ate Hannah asan ka ba? nahihirapan akong huminga sa tensyon na binibigay ni Range saakin pero habang tinititigan ko ang mata niya ay kita ko ang galit at sakit sa mata niya.

"How could a stranger do this to me." Aniya niya bago ako bitawan, nakita ko ang pag tulo ng mga taksil niyang luha, Range 'wag ka sakin magalit please. He hold and scratch his head roughly.

"Actually... hindi ko alam kung paano mo 'to nagawa saakin-niyo ni Hannah, I never thought you'd guys fool me as if I'm just an animal who can be fooled." Nanginginig na aniya, hindi tumulo ang ibang mga luha nya na gusto na kumawala sa mga taksil niyang mga mata.

"Range what are you talking about son?" Aniya ni tita, umiiyak akong humawak kay tita nang tabigin ako ni Range at ilayo sa mama niya.

"Don't ever touch my mom Crizza." Galit na aniya ni Range, tumulo nanaman ang luha kong punong-puno na nagtitipon sa aking mata.

"C-Crizza?" Tanong ni tita Vhie nang may pagkagulat, tumulo ang luha ko.

"Hayaan niyo ho sana ako mag explain, h-hindi k-ko naman p-po ginusto 'to, t-tita." Aniya ko, wala akong ibang ginawa kundi lumuhod sakanila at saka mag beg sakanila na 'wag magalit saakin, Range grab my wrist at saka ako itinayo.

"Ito ang tatandaan mo, hindi kita mapapatawad." Aniya nito nang galit kaya mas lalo akong humagulgol ng iyak, hindi ko alam ang gagawin ko, pakiramdam ko wala akong kakampi.

"Range, maniwala ka naman saakin. Kinumbinsi lang ako ni ate Hannah. R-Range pleas p-pakinggan mo naman ako." Pagmamakaawa ko sakanya, ikinaladkad niya ako papunta sa pintuan, hindi ko maintindihan bakit pakiramdam ko walang magtatanggol saakin na maski si ate Hannah ay hindi magpapaliwanag. Umiiyak akong tumingin sakanya.

"R-Range please, p-pakinggan niyo muna ako, t-tita?" Baling ko kay tita, malungkot itong umiwas ng tingin at saka pumalikod kay Range, tinitigan ko si Range at saka lumuhod sa harap niya.

"Hindi ko ginusto 'to, please maawa naman kayo sa'kin. Hindi ko alam, hindi ko alam na sasablay ako. Range buntis ako." Aniya ko, itinayo ako ni Range at saka tinitigan sa mukha.

"Alam ko, actually I used that to know if it is yours, but I didn't think you guys could fool me, all this time akala ko nagbago si Hannah-ay mali kasi ikaw 'yon at hindi siya." Aniya niya, napalunok ako sa tensyon.

"Pero Range, ako yung naka talik mo non at buntis ako." Matapang na aniya ako, nagbabakasali na matauhan siya at ma realize na ako ang nakasama niya non ngunit mapag laro ang tadhana hindi ko alam na kahit pa alam niyang may possibility ay masasaktan ako sa mga sinabi niya.

"Anak ko man o hindi ang dinadala mo. Wala. akong. aakuin. After all bunga 'yan nang pagiging manloloko mo, ang kati-kati mo na kahit alam mong mali na ang ginawa ng ate mo pumayag ka para masolo ako, at ngayong nakuha mo na ang gusto mo, ke akin man ang bata o hindi, hindi ko tatanggapin 'yan." Natulala ako sa sinabi niya, baby, I think I will change my plan sorry if I'm going to kill you, dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataong sabihin sa daddy mo ng maayos ang kasalanan ko.

Nangiti akong humarap kay Range at kay tita na nakatingin saakin habang hinahaplos ang tiyan ko kanina. "Siguro nga Range manloloko ako, kaya siguro nangyayari sakin 'to na pati sarili ko niloloko ko, sorry sa pagiging makati, maniwala ka man o sa hindi... sa'yo na mismo nag mula hindi mo tatanggapin ang batang 'to kaya kahit makita mo man siya balang araw, hinding-hindi mo siya hahawakan." Tumulo ang luha ko at saka pinunasan iyon.

"Hindi ka dapat saakin nagagalit eh..." Ngumiti ako sakanya at saka muling nag punas ng luha. "Kasi kahit niloko kita, ako parin ang nagbigay nang mga bagay na hindi niya mabigay sa'yo. Hindi naman kita gusto e', aware kaming tatlo dun..." I cut off my sentence as I grinned on him. "Pero naramdaman ko na nagustuhan kita at sorry kung I take advantage on your innocence." Aniya ko at saka tumawa, hinubad ko ang singsing at saka lumapit at inilagay sa palad niya ang singsing. "Hindi naman ako si Hannah e', hindi ko deserve 'yan." Ngingiting aniya ko, nakatingin siya sa singsing na nasa kamay nya bago tumulo ang luha.

"Crizza, sorry..." Bulong niya na sapat na para marinig namin, pinat ko ang ulo niya at saka ngumiti.

"Salamat kasi nakaranas akong magka boyfriend, kahit sa imahe ng kapatid ko lang naranasan." Nakangiting aniya ko, hinawakan niya ang kamay ko na habang nanginginig na parang gusto niyang isuot ang singsing muli saakin pero umiwas ako nang tingin at tumungo sa harap ni tita.

Yumuko ako at saka tumulo ang luha ko. "Salamat po sa pagtanggap saakin, at sorry po sa nagawa ko." Ngumiti ako sakanya, hinawakan niya ang mukha ko.

"Wala akong tanim nang galit sa'yo dahil unang-una sa lahat, ibinigay mo sa anak ko ang hindi niya pa nararanasan." Nangingiting aniya nito. Tumingin ako kay Range.

"Salamat po sa panandaliang pagiging Finx." Aniya ko bago tumakbo papuntang guard at lumabas, tumakbo lang ako nang tumakbo na parang hindi ako napapagod, ganun din ang mata ko na labis na nalulungkot.

Nahinto nalang ako at saka tumumba sa kalsada. Sana hindi nalang ako pumayag, sana hindi ko nalang siya sinunod. Ang tanga-tanga ko, nang dahil sa kasiyahan nila, napain ako.

Tumayo ako at sumigaw. "Naiintindihan ko na..." Naputol ang salita ko nang humagulgol ako sa pag iyak. "Sinaktan niyo ako para sa ikaliligaya niyo, grabe ka... a-ate H-Hannah." Nanginginig na aniya nito.

Pag lingon ko sa kabilang kalsada ay duon may maliliwanag na ilaw'ng sumalubong saakin, hindi ako makatakbo at hindi ko rin naisip kung ano 'yon ang huling beses na nakakita ako nang maliwanag na halos kainin ang buong pananaw ko.

Secret Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon