Chapter 7

1.6K 41 7
                                    

I'll say this once... ya'll are disgusting.

Nakatingin lang ako sa cellphone ko habang tahimik na nakasakay sa kotse ni Range, he's playing instrumental song sa C.D, habang ako ay nagbabasa ng mga messages noon ni ate Hannah, hindi naman sa nakiki chismis ako, ngayon lang talaga ako nagkaroon ng oras para halungkatin ang cellphone niya.

Duon ko nakita ang mga pictures niya sa iba't-ibang lugar, I just can't stop envying her. Ang ganda ng mga napuntahan niya habang ako naka i-stambay lang sa bahay habang nag ta-travel siya sa buong mundo. I sigh while scrolling still sa gallery, nakita ko ang picture nila ni Range.

They are such a sweet couple, halatang-halata na mahal nila ang isa't-isa, sa mga mata palang. Yung ngiti na binibigay nila sa isa't-isa halatang may pagmamahal, paglipat ko ay naagaw ang atensyon ko ang isang picture na nakahalik si Range sa palad ni ate Hannah na may caption'ng 'Just got engage.' malaki ang ngiti ko nang makita 'yon.

"Akala ko nga sasabihin mong no e'" Narinig kong aniya ni Range, tumingin ako sakanya at saka bumalik ang tingin sa cellphone.

"Paano mo naman nalaman?" Sabi ko bago bumaling ulit sakanya, nakangiti lang siya habang nag da-drive.

"Ang tagal mong sumagot e', the silence is overflowing between the place. Lahat kami naghintay sa'yo. You didn't notice that." Sabi niya habang natatawa. Tinitigan ko uli ang cellphone, hindi halata sa picture na pinaghintay siya ni ate Hannah.

"Nakatingin kalang while crossing your arm, it's funny how you just stare at me na parang nanonood ng pelikula."

Napangiti ako, pakipot talaga siguro si ate Hannah. "Maybe its because I'm tired." Sabi ko, ang sweet lang talaga ng picture na 'yon.

Hindi siya umimik pero ramdam ko ang saya niya habang nagmamaneho, nakita ko rin ang mga videos nila magkasama. Just can't stop envying this girl....

Tahimik parin ako habang nag kakalkal ng mga laman ng cellphone niya, yung iba ay may restricted na app kung saan ay kailangan ng password kaya hindi na ako nagbalak pang buksan, nag park si Range sa mini park na maraming tao, nakita ko ang mga batang nagtatakbuhan habang may hawak na saranggola.

Pagbukas ko ng pinto ay may muntikan na akong madaling bata, bago ko pa man siya madali ay humagulgol na siya ng malakas, agad akong nag panic at pinagkasya ang sarili palabas ng pintuan para hindi madali ang bata, hindi parin siya tumitigil sa pag iyak.

"What happen?" Tanong ni Range bago tumakbo papalapit saaming dalawa ng bata.

"H-Hindi naman siya natamaan pero umiyak siya." Inosenteng aniya ko, tinitigan niya ako bago subukang pakalmahin ang bata. Nag iisip ako ng paraan dahil baka makita kami ng magulang niya.

"Stop crying na, mabait si ate..." Pangungumbinsi ko, naka kapit padin ang bata kay Range kaya si Range ay todo pag hawi sa buhok ng bata.

"May masakit ba? Turo mo." Sabi ko pa, tumigil siya sa pag iyak sabay turo sa nagtitinda ng cotton candy, hindi ko siya maintindihan kaya hinawakan ko ang kamay niya. "Inaway ka nung nagtitinda?" Tanong ko, umiling siya at saka pinakita ang isa pang kamay niya, duon ko nakita ang limang piso, tinitigan ko iyon bago uli bumaling sa mukha niya.

"I wost my piso." Sabi niya, muling namuo ang luha sa gilid ng mata niya at saka humagulgol, binuksan ko ang pinto ng kotse at saka kinuha sa bag ko ang coin purse ko at saka hinawakan ang munti niyang mga kamay.

"Ate will treat you, gusto mo? You lost piso right?" Sabi ko kahit na alam kong limang piso iyon, tumango siya at saka mahigpit na kumapit saakin, sinama ko siya sa harapan ng tindahan at saka binilhan ng malaking cotton candy.

Secret Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon