*10 - I Am What?!

49 1 0
                                    

Eris' POV

Its already middle of October. Malapit na palang matapos ang first sem.

"Haaaaaaaayyyyyyy"

"Yung totoo Eris?  Pasampung buntong hininga mo na yan, push mo pa yan 'te!"

"Bruha ka talaga Donna." inirapan ko na lang siya at nangalumbaba. Grabe di ko maiwasang mag-isip. Its been a week since that confusing statement of Kierre. Grabe talaga.Di ako nakatulog ng maayos since that day. Haaayyyy.

"Halata namang yung "my Ereen" thing pa rin ang iniisip mo. Ano ba talagang trip ni Kierre?" Confuse na tanong ni Donna.

Kinuwento ko na rin sa kanilang dalawa ang nangyari nung araw na iyon. I just shrugged and looked at Yza na tahimik sa tabi ko while tapping her phone. Aba may ka text ata ang babaeng ito.

"Huy, sino katext mo?" kinulbit ko siya at tinuro phone niya.

"Nope. I'm browsing Kierre's fb." sabay pakita sakin ng phone niya na nasa profile ni Kierre.

"Stalker ka ni Kierre? Grabe ka girl karibal ka pala ni Eris!" Sigaw ni Donna kaya naman napalingon yung dumadaan which is Kervin and Jed with some of their blockmates. Himala di yata sila kabuntot ni Kierre ngayon. Nag wave silang dalawa sa mga kasama nila at nakita kong tumakbo palapit samin.

"Hey! Tagal natin di nagkita ah. Teka kelan ba yung last?" agad na tanong ni Jed nung makarating sa pwesto  namin.

"Uh sa parking lot?" mahinang sagot ni Donna.

"Yah right! Hey Donna thanks nga pala nung last time ha. Nagustuhan ni Thea. Sa susunod ulit." ano bang pinag uusapan ng dalawang ito. Tumango lang at ngumiti ng pilit si Donna. Napansin ko namang tumabi si Kervin kay Yza at may iniabot

"Ano to?" binuksan ni Yza yung maliit na box na bigay ni Kervin at nagulat sa laman noon.

"Wow. Bakit mo ko binigyan nito?" nagtatakang tanong ni Yza kay Kervin habang nakatingin sa bracelet na bigay nito.

"Ah,  umuwi kasi sila Mommy galing Caledonia and sabi nila pasalubong daw yan sa girlfriend ko~"

"What?! Di mo naman ako girlfriend ah"

"Yes I know. Yun  nga wala akong girlfriend but nung inabot ni Mommy yan ikaw agad naisip ko eh."

"Yown dumada-moves si Kervin! Boom!" pang-aasar ni Jed sa kanya.

Tangkang ibabalik ni Yza ang box pero pinigilan siya ni Kervin. "Please accept it. No hidden intentions. I just really want to give it to you. Accept it..please." saad ni Kervin.

Mukha namang na convince si Yza so she accepted it. Tinulungan pa siya ni Kervin sa pagsusuot nito.

"Perfect!" tuwang tuwang sabi ni Kervin. Mukha siyang batang tuwang tuwa nang makita ang bracelet sa braso ni Yza.

"By the way asan nga pala ang bff niyong masungit?" tanong ni Donna. Agad akong napatingin kina Jed at Kervin at hinintay ang sagot nila.

"Oh he's busy preparing for the university's foundation day. Siya ang representative namin sa engineering department for Mr. Lerdwick University. Sino nga pala sa department niyo?" tanong ni Jed habang nagttype sa cellphone niya.

"Di namin alam. Di nga din namin alam na may foundation day pala na magaganap." sagot ko sa kanila.

"Huh?" takang tanong ni Jed at Kervin. "Seriously, sa bundok pa ba ang accountancy building? Kayo nalang ata ang walang representative for Mr. And Ms. Lerdwick University?!"

"Aba malay namin nun." snob na sagot ni Yza.

Biglang tumunog ang bell ng university hudyat na tapos na ang breaktime ng mga students.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon