*5 - No Return, With Exchange

46 1 0
                                    

Two days na ang nakalilipas simula nung rainy day incident na iyon at hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako.

Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil lunch break namin.

"Hoy Eris! Lu-Lunes Lunes e mukhang Biyernes Santo mukha mo, anyare?" tanong sakin ni Yza. Pano ba naman kasi nakasubsob ang mukha ko sa lamesa habang nakasimangot.

"Baka tampororot satin kasi di natin sinipot nung Saturday." sabi naman ni Donna habang kumakain ng fries.

"Luka, hindi no. May iniisip lang" umayos ako ng upo at kumuha rin ng fries na kinakain ni Donna.

"Ano?" tanong agad ni Yza.

"O baka naman sino?" nakakalokong tanong naman ni Donna.

"Magtigil nga kayo. Wala to. Just dont mind me. Ubusin niyo pagkain niyo." bumuntong hininga na lang ako after that.

"Wala pa rin ako nasasagap na chika" biglang sabat ni Donna.

"Chika? about what?" curious na tanong ni Yza.

"About Kierre, kung siya si Kimpoy." napatingin na rin tuloy ako kay Donna. So seryoso talaga siya sa 'investigating Kierre' plan niya.

Napatigil ang usapan namin ng biglang umingay sa cafeteria. Pumasok pala yung tatlong lalaking laging 'attention grabber' sa school. Lakas talaga makahatak ng engineering students na to.

"Girls, speaking of the devil, mukhang palapit sila dito ah?" biglang sabi ni Yza.

Oh my God. This doesnt look good. Ayaw ko makasama sa isang table ang Kierre na to.

Pero huli na para makapalag pa dahil nandito na sila sa table namin

"Can we share a seat?" tanong ni Jed kay Donna.

"Sure! No problem. Kahit dyan na kayo umupo forever!" kilig na kilig na sigurado tong babaeng ito.Napatawa naman si Jed sa kanya.

Umupo sila sa table namin. Bale magkakatapat kami. Katapat ni Donna si Jed, si Yza katapat si Kervin at ako? di ko na kailangan sabihin kung sinong katapat ko.

Napaka awkward ng scenario na ito. Tahimik lang kaming lahat pero ang ingay ng paligid. Dagdag niyo pa yung nakakapatay na tingin ng mga babae sa cafeteria sa aming tatlo.

"Aahhmm..oorder na ako, ano gusto niyo? tanong ni Jed sa dalawa niyang kasama.

"Alam mo na kung ano samin. The usual." sabi ni Kierre.

"Kayo girls, may gusto ba kayo?" tanong naman ni Jed samin.

"Burgers na lang samin!" aarrgghh nakakainis si Donna. Halata masyadong may gusto sa Jed na ito.

"Burger for the girls and the usual for the boys, got it!" aalis na sana siya ng bigla siyang pinigilan ni Kierre.

"Wait, wag mong palalagyan ng ketchup yung isa. Allergic si Eris sa ketchup." bulalas ni Kierre.Tumango naman si Jed at dumiretso na sa counter.

Nanlaki ang mata naming tatlo ng marinig yun..as in literal na lumaki talaga!

"How did you know?" tanong agad ni Yza.

"Psshhh.. Obvious naman oh, kumakain kayo ng fries, kanya lang walang ketchup so I assume na allergic siya dun at tama naman ako." explain ni Kierre samin.

"Oh, kala namin..." hindi na tinuloy ng dalawa ang sasabihin nila, sakto namang dumating na si Jed with our foods.

"Thank you sa libre ha." masayang banggit ni Donna.

"Hindi yan libre may kapalit yan". bigla naman kaming napatigil sa pagkain at nabilaukan naman si Donna.

"What??!! We thought...Diba inalok niyo kami nito? di naman namin kayo pinilit na ibili kami ah! " himutok ni Yza.

"Babayaran na lang namin." akmang kukuha na ko ng pera sa wallet ng magsalita si Kierre.

"We don't accept cash. We prefer your service."

"Service??What kind of service?" tanong ko sa kanila.

"You, you and you" sinasabi ni Kierre yan habang tinuturo kami. "You will be our partners sa darating na Engineer's Night."

"What??! Engineer' s night nga di ba e bakit kelangan kami doon.as far as I know Accountancy students kami?" tanong ko habang nakapamewang na. Lagot, mukhang nakaka grab na kami ng attention dito..tsk

"Bagong pakulo ng president namin eh. No choice kayo. Tumanggi kayo and siguradong ibu-bully kayo ng lahat ng girls na nandito ngayon." lumingon naman ako at whoah! namdami nila...ayoko nga mabully.

"Fine!" nagulat ako ng pumayag si Yza." If that's what you want." saad niya habang naka cross arms.

"Yza!!" sabay pa kami ni Donna.

" Okay then! It' s on next Friday. 8 pm. See you then!" sabay alis ng tatlong kumag na iyon. Pero akala ko umalis na sila. Bumalik pa pala si Kierre at may binulong sakin na nagpatindig nanaman ng balahibo ko.

"Wear blue dress on that night, favorite mo yun diba....Ereen?" sabay tingin at smirk sa akin.

Malayo na pala yung tatlong lalaki at tinawag ako ni Donna.

"What the hell just happened?!" bulalas nalang naming tatlo at umub-ob  sa table. Grabe..we just want to have a peaceful life here but now what???at yang Kierre na yan  ang gulo gulo niya!!!

abangan po sa  ang Engineer's night...at si Kierre ba si Kimpoy? may eeksena rin na gwapong papa sa next update :)

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon