*1- All is Well

95 2 0
                                    

     "All is well, All is well, All is well" paulit- ulit kong sinasabi yan habang on the way ako sa school. Paano ba naman kung kelan 3rd year college na ko saka pa naisipan ng mga magulang ko na palipatin ako ng university. Lumipat din kami ng bahay. Regalo ito ng lola ko sa papa ko before she died. Parang pamana. So my mom decided to sell our house in Manila at dito na kami mag-sstay sa Batangas. Waahhh, fresh air at last!
Kinakabahan ako kaya paulit-ulit ako ng All is Well. Fan yata ako ni Ranchodas Putrachadchad!hehe (sino nakarelate??) Malapit na kami ni Mang Tony (driver namin) sa school.

"Iha, anong oras kita susunduin?" binuklat ko naman yung schedule ko para malaman kung anong oras ako makakauwi.

"3 o'clock po" sabi ko habang binubuksan ang pinto ng kotse. Magpapaxerox nga ako nitong sched ko para may kopya si Mang Tony.
Pagkababa ko dumiretso agad ako sa gate and I presented my id sa guard.

"Eris Coreen Tenorio" banggit ng guard sa pangalan ko. "Welcome to Lerdwick University!" aba may ganung pakulo pa sa guard ha.
Halos lahat ng students ay binabati nila. Syempre first day of school eh at naniniwala ako sa kasabihang First impression lasts.
Yep! Eris Coreen Tenorio pangalan ko. 19 years old. Taga dito sa Batangas ang father ko at taga Manila si mother. Sa Manila ako lumaki. Solong anak. Ewan nga sa mga magulang ko kung bakit di ako sinundan sayang naman ang lahi namin hindi dadami ang mga magaganda/pogi.hahaha. Dito ako inenrol kasi alma mater ng daddy ko ang school na ito.

"Eeeerriiissss!!!" huh? may tumatawag ng name ko?? Pero wala pa akong kakilala dito ah.

"Eeeerrriiissss" tumingin ako sa likod ko sa pag aakalang tawag ako ni kuyang guard pero hindi naman.

"Eris Coreen Tenorio! Anak ni Elmer at Conie Tenorio na mahilig sa Choco Mucho" sino ba yu--

"Yza??Donna??waaaahhhh" tumakbo ako papalapit sa kanilang dalawa at nagtatalon habang yakap sila..Ang saya!!Bakit nandito itong dalawa kong luka lukang best friends?

"Bakit kayo nandito?" sabay hampas sa balikat ni Donna.

"Wow girl, ganyan ka ba bumati ngayon?with matching hampas?" luka luka talaga.

"We followed you!Hindi naman namin maaatim na solohin mo ang paghahasik ng kagandahan sa Batangas!Dapat kami din para balanced!!hahaha" adik talaga tong si Yza.

"Grabe!!ang saya!!di na ako outcast dito..Super thanks backfriend!" teary eyed pa ako ng lagay na yan.

"Ano kami napkin? By the way pare-pareho tayo ng course and sched girl!" banggit naman ni Donna.

I smiled a very wide smile!as in yung mapupunit yung face ko sa sobrang wide. Ang saya talaga. Kasama ko ang dalawa kong bestfriends since Kinder! Oo simula Kinder magkakasama na kami sa mga kalukahan hanggang ngayong College na kami. Maricris Mayuga ang totoong name ni Yza. Mas type nya daw yung nickname niya kaysa sa name niya. Si Donna naman ay si Donnalyn Leyesa.

"San kayo nakatira?"tanong ko sa dalawang ito habang naglalakad kami papuntang room.

"Nag bo-board kami. Dyan lang malapit lang." turo naman ni Yza.

"Bumisita ka sa amin ha." pout pa itong Donnang ito..ang kyut lang

"Sure!! Buti pinayagan kayo nila Tito at Tita."

"Huh! Kung alam mo lang kung paanong makaawa ang ginawa namin para payagan kami!" with matching irap pa si Yza.

"yah!!kaya nga super thank you eh..dahil dyan bibigyan ko kayo ng powerhug!" para kaming mga luka na nagyayakapan sa gitna ng field. Wala kaming pakialam sa mga dumadaan at nagmamadaling studyante na dumadaan at tumitingin sa amin. Di ko talaga akalain na sasamahan ako ng dalawang ito. I guess this is the value of real friendship. Kaya mahal na mahal ko ang dalawang ito. Teka! Effective talaga ang All is well! pampatanggal ng worries! :)

*OTOR-OTORAN'S NOTE ^_^

salamat po sa mga bumasa! comment and vote po kayo para masaya. kamsahamnida.

#YSIR

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon