*2 - Nosi Balasi

56 2 0
                                    

Pagkatapos ng eksena namin sa university ground hinanap nanamin ang building namin at room.

"Girl, Room 301 tayo right?" sabay kulbit pa ni Yza.

"Yep..So 3rd floor yun. Tara dun maghanap." pagyaya ko sa kanila.

Paliko na kami papuntang stairs nang biglang dumagsa ang pagkadaming students. Nagtatakbuhan sila papuntang 3rd floor. Buti hindi nakakabangga mga tao dito.

"Anong meron?" pagtataka ni Donna sabay harap sakin.

"Aba malay ko. Hello?! Pare-pareho tayong magkakasama no!" lukaret talaga tong babaeng ito. Sakin daw ba magtanong.

"Baka mga nagmamadali dahil start na ng class" singit naman ni Yza.

"Hindi siguro..Maaga pa oh". tiningnan ni Donna ang relo nya.

We just ignored all the students who are running towards the 3rd floor. Pero seriously, padami sila ng padami at halos puro kababaihan sila. Sa sobrang curiosity sa mga madlang pipol na ito di namin napansin na nasa 3rd floor na pala kami.

"We're here but where's our room?"tanong ni Donna

"Shocks!mali pala tayo ng hagdanna inakyat. Dapat dun tayo sa kabilang hagdan dumaan. Room 310 to."

"Nye. Siya simulan na natin maglakad."

Naglakad na kami at nadaanan ang ibang classrooms. Hmmm..parang ang saya dito ah. Madami kaming pwedeng gawin at pagkaabalahan. Mukhang magiging exciting amg aking junior year dito. Buti na lang pala lumipat----

Boooggssshhh

"ouch, ang sakit ng pwet ko" Sino bang bumunggo sakin.

Pagkaharap ko kitang kita ko ang kumpol ng mga babae na nanlilisik ang mga mata sakin.

"So, nandito pala yung mga babaeng nagtatakbuhan kanina." inakay naman ako ni Donna patayo.

"Ano ba talagang meron?" hayy Yza pare-pareho tayong clueless.

Nasa tapat na nga kami ng room namin di naman kami makapasok dahil sa mga babaeng nakaharang sa pinto.

"Ahhmm..excuse me. Excuse---"

"Waaahhhhh... nandito na silaaaaa!!!!!" aba!parang mga kiti-kiti itong mga babaeng ito. Daig pa ang nakalunok ng megaphone.

May nakita kaming bulto ng  mga lalaki na paparating. Di ko masyado maaninaw dahil medyo malayo pa sila. Sobra namang pagkaguluhan ang mga lalaking ito..

Sino Ba Sila??????

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon