*15- Maru

35 1 0
                                    

* Eris POV

Ang lambot lambot ng higaan ko ngayon. Ang bango bango pa ng unan ko at ang lambot din. Para akong nakahiga sa ulap. Ang kinis kinis ng bedsheet ko. Mukhang bagong laba si Yaya ah. Ansarap talagang matulog.

"Girlfriend siya ni Kuya?" Rinig kong sabi ng isang batang lalaki.

"Ewan ko. Pero never pang nag uwi si Kuya ng babae. Neeever!" Bulong naman ng batang babae.

Bata? Wala namang bata dito sa amin ah. Teka. Amin?! Bigla akong napabangon at bumulaga sakin ang dalawang batang magkamukha sa harapan ko.

"Goodmorning Ate!" Sabay na sabi ng dalawa.

Di ko alam kung anong itsura ko ngayon pero alam kong gulat na gulat ako. Ngayon lang uli nag sink in sakin na wala nga pala ako sa amin. Nakila Kierre nga pala ako!

"Lagot ka Krissia! Ginising mo girlfriend ni Kuya!" pagbabanta ng batang lalaki.

"Hoy ! Ikaw kaya ang unang nagsalita at nanggising, no! Ikaw ang lagot Kris!" Sabi naman ng batang babae.

"Ang cute niyong dalawaaa!!!!" Bigla ko silang hinigit at inihiga sa kama. First time kong makakita ng kambal na fraternal twins. Ang cute nila!

Niyakap yakap ko sila habang nakahiga kami. Feeling close agad ako sa kanila. Di ko kasi mapigilan e. Ang cute talaga nila.

"Hey hey! Stop pinching my cheeks!" Saway ng batang lalaki sakin. Bigla itong bumangon at pinagpag ang damit niya na di naman nagusot.

Bumangon din ako pati yung batang babae na nakatingin sakin at nakangiti.

"Hi Ate! Im Krissia. And that masungit over there is my twin bro who is older than me ng mga 3 minutes lang na si Kris. We are Kuya Kierre's cousins." Ngiting banggit ni Krissia.

"Grabe ang cute cute at ganda mo pa." Kinurot ko ulit ang pisngi niya at halatang tuwang tuwa siya. Tumingin naman ako kay Kris.

"Hey! Don't look at me like that. Wa-wait!" Hinila ko uli siya at inihiga silang dalawa sa kama at nagkilitian kami. Tawa kami ng tawa ng biglang bumukas ang pinto.

"Kambal! Naku! Magagalit ang Kuya Kierre niyo. Ginising niyo ang bisita niya! Hala. Tara na sa baba at mag breakfast na kayo dali!" May pumasok na isang babae sa loob ng kwarto ko. Mga mukhang nasa early 30s na siya.

"Yaya Lyn. Di namin siya ginising no. Nagising talaga siya at kinurot kurot pa niya kami." Himas himas ni Kris ang pisngi niya habang nagsusumbong kay Ate Lyn.

"Naku Mam pasensya na po kung ginising kayo ng mga alaga ko. Sige po una na po kami." Naglakad na siya kasama ang dalawang bata.

"See you Ate sa baba!" Kaway naman ni Krissia sakin at nag wave din ako hanggang sa sumara ang pinto.

Tumayo na ako para ligpitin ang higaan ko. Kahit naman may yaya din kami sa bahay di naman ako naasa sa kanila. Yung kaya kong gawin ay ginagawa ko naman. Biglang pumasok si Nanay Tasya sa kwarto ko este ni Kierre at inagaw sakin ang tinitiklop ko.

"Naku bata ka. Ako na dyan. Bumaba ka na doon at mag almusal. Lakad na." Tiniklop niya ang kumot ko at inayos ang unan.

"Si Kierre po?" Tanong ko sa kanya. Nakakahiya kasing bumaba nalang basta. Baka sabihin naman ang feelingera ko. Nakitulog lang naman ako dito.

"Ah. Nasa Master's bedroom. Katabi lang nitong kwarto mo. Tulog pa yata e at di pa nalabas."tumingin ako sa orasan at 8 am na pala.

"Puntahan mo nalang Eris at pakigising ha. Pakisabi mag almusal na at nandito pala ang mga pinsan niya." Tumango ako at lumabas ng kwarto at dumiretso sa katabing kwarto. Kumatok muna ako at nang walang sumagot ay pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon