*14 - And the Winner Is... Part 3

31 1 0
                                    


Donna's POV

"This is it!!" Sobrang daming tao ngayon dito sa university ground. Halos hindi mahulugang karayom dahil sa dami ng tao. May mga students, cheerers, family members ng candidates at outsiders. Sa dami ng tao halos di mo na makita ang dadaanan mo kahit mga kasama mo.

"Nasaan kaya si Yza?" Nagtxt sakin na nandito na sila ni Eris. Plano ko sanang sumunod sa bahay nila pero nalate ako dahil masyadong napasarap ang gala kasama si Jansel. Oh, wag kayong malisyosa ha. Friends lang kami ng mokong na yun. Alam niyo naman kung sino talaga like ko e.

Anyways, nagdiretso na lang ako backstage dahil siguradong narito si Eris *mga candidates*. Habang papunta na ako nakasalubong ko si Thea. Remember her?

"Excuse me. Nakita mo ba si Jed?" Ha? Dami niyang pagtatanungan ako pa talaga napili niya ha. Pero siyempre dahil ayokong maging rude nginitian ko siya "Sorry, kadadating ko lang e. Hinahanap ko din mga kasama ko." Saktong aalis na sana ako nang humabol siya.

"Pwede ba akong sumama sayo sa paghahanap. Baka magkakasama uli sila ng mga friends mo. Madalas kasi nakikita ko kayo magkakasama kaya inapproach agad kita nang makita kita." Nakangiting sabi niya.

"Ah. Sige. Sunod ka nalang sakin at baka mawala ka sa dami ng tao." Umuna na ako nang paglakad nang di lumilingon sa likod ko kung nakakasunod ba siya. Bakit ba, di ko talaga siya feel e. *haha..ang mean ni Donna >:) *

"Donna!" Sabay kaway sakin ni Yza. "Here" tawag niya habang kumakaway. Dali dali akong nagpunta sa tapat niya.

"Ah. Hi Thea." Aba nasa likod ko pa pala siya. "If you are looking for Jed nandun siya sa dressing room ng Engineering Dept. Katabi lang ng room ng Accountancy." Turo ni Yza sa room.

Umalis na si Thea at naiwan kami ni Yza. "Hey! Asan na ang next Ms. Lerdwick??" Assured na tanong ko kay Yza.

Lumakad si Yza at sumunod naman ako. Pagpasok ko nakita ko ang napakagandang dilag *bias ako..siyempre bff ko!* Nakalong gown na siya at gandang ganda talaga niya! Walang duda! Bagay na bagay talaga maging Ms. Lerdwick.

"Goodluck friend!" I hugged her really tight. "Kayang kaya mo yan. Wag na wag lang kakabahan. Nandito lang kami lagi for you!" We need to cheer her up kahit wala ang parents niya. They are busy with their work at naiintindihan naman ni Eris yun.

"Thank you girl, pero sobra talaga akong kinakabahan. Di naman ako sanay sa mga ganito e."

"Don't worry you look stunning tonight!" Napalingon ako sa likod at nakita si Knight. Aba himala solo flight lang siya di niya kasama mga friendship niya.

"Knight! Why are you here? Di ba may rehearsal din kayo ngayon for crowning?" Tanong sa kanya ni Eris. Remember? Siya ang former Mr. Lerdwick.

"Just want to see you Ereen. Kayang kaya mo yan. Sa lahat ng babae dito ikaw talaga pinakamaganda."nahihiyang komento niya.

"Lagot ka Knight sa Ms. Engineering! Dapat siya sinusupport mo dahil ka department mo siya. Isa kang taksil!" Pagbibiro ko naman sa kanya. Napatawa naman sila ni Eris dahil dun.

"I know. But I can't help but admire this stunning lady in front of me. Magaganda naman lahat but just like what I said, your department has the most beautiful lady tonight."mahabang paliwanag ni Knight.

"E sa Mr. Lerdwick, may nakikita ka nang magmamana ng korona mo?" tanong ko sa kanya.

"Well. May choice na ako. Kahit parang ayoko na siya ang manalo e mukhang malaki ang laban niya" kamot sa ulong tanong ni Knight.

"So you mean. Ayaw mo na siya manalo pero mukhang siya mananalo? Interesting? Sino naman yan? Wag mong sabihing sa department namin ha! Gusto namin ng free trip!"pabirong sabi ko sa kanya.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon