*9 - Meet His Friends

83 2 1
                                    

Eris' POV

"Girl!Asan ka na?Kanina pa kami dito sa parking".

"Papunta na. Wait lang."

Tapos na ang klase namin and we--- Yza, Donna and I ---decided na mag unwind at gumala dahil Friday naman ngayon.

I ended the phone call of Donna and kept my cellphone inside my bag. Then I ran as fast as I could. But while running, nabunggo ako sa isang matigas na bagay.

"Ouch" hinimas ko ang ulo ko. Tumingin ako sa matigas na bagay na nakabunggo ko..este tao pala. At biruin mo nga naman, after ilang weeks na di nagpakita ang lalaking ito sa ganitong way ko pa pala siya makikita.

"Watch where you're going. Napaka careless mo talaga" sabi ng sungit na weird na lalaking ito.

"Sooorryy poo" sabay gaya ng gesture at tono ni Chichay.. tiningnan lang ako ng masungit na Kierre na ito at tumuloy na uli sa paglalakad niya.

Tinuloy ko na rin ang paglalakad este pagtakbo ko..Iisang way lang pala ang dadaanan namin ng sungit na ito. Malapit ko na sana siyang malagpasan ng may tumawag sakin.

"Ereen!!" malakas na tawag sakin ni Knight. Napatigil ako at humarap sa kanya. Napansin kong tumigil din si Kierre sungit at lumingon habang nakapamulsa at nakakunot ang noo. Problema ng lalaking to? Siya na ba si Ereen ngayon? hihihi

"Knight! Kumusta?" two weeks na rin kasi ang nakakaraan mula nung huli naming pag-uusap sa cafeteria. Mukhang busy nga sa department nila ah.

"Okay naman. Ahhmm.. Sama ka sakin may papakilala ako."

"Huh? Wait, hinihintay ako nila Donna sa parking lot eh. San ba tayo pupunta?"

"Ah ganon ba, sige sama mo na sila para masaya." sabay hawak ni Knight sa braso ko. Ang bilis niyang maglakad pero di naman yung tipong nakakaladkad ako. At sa paglalakad namin nalagpasan na namin si Kierre na nasulyapan kong nakatingin sa kamay ni Knight na nakahawak sakin.

Malapit na kami sa parking lot at natatanaw ko na sina Donna at Yza. Kumaway ako sa kanila and they did the same. Mabilis naman kaming nakarating sa kinatatayuan nila.

"Hey girl! Di mo naman sinabi may kasama ka pala." bungad agad ni Donna.

"Girls, sama kayo sakin. I would like you to meet my friends" yaya ni Knight kina Donna at Yza.

"Sige! Heartbroken ako ngayon eh. Baka makakatagpo ako dyan ng bagong pag-ibig." sabi ni Donna.

Di na rin kami pumalag. Tutal naman mall lang dapat pupuntahan namin. Maiba naman.

"Kunin ko lang kotse ko."

We waited sa kinatatayuan namin at after 5 minutes dumating na si Knightp sakay sa kotse niya. Sasakay na sana kami ng dumating si Kierre kasama sina Jed at Kervin.

"Oy , san ang punta?"tanong ni Jed na nakatingin kay Donna. Yumuko naman si Donna at tumingin sa ibang direksyon. Did something happen?

Si Yza nalang ang sumagot. "We're going out with Knight." Tapos sumakay na siya sa kotse. Ganoon din naman ang ginawa ni Donna.

Pasakay na sana ako ng kotse pero bigla na lang humarang si Kierre sa dadaanan ko. I stared at him with a confuse look pero di siya natitinag.

"Excuse me, dadaan ako oh." arrgghh..he's getting into my nerves. problema ba nitong lalaking ito?

Tumingin lang siya then he murmured something na di ko naman naintindihan. Then nag walked out siya at sumunod sa kanya sina Jed at Kervin.

"Ang gulo talaga ng lalaking iyon" napailing nalang ako at binuksan ang likod ng kotse ni Knight.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon