Chapter 14

9.8K 121 5
                                    

School Camp Day 2



KATH's POV



Nagising ako. May malakas na bell na gumising sa buong camp. Grabe talaga yung instructor. Maligo na daw kaming lahat. Ang dami palang shower room dito. 10 shower rooms for girls and for boys. Kaya madali din kami. Nagbihis na ko pagkatapos maligo ng Yellow top ko with white polkadots and short shorts tapos yung rubber shoes ko na yellow din na may white outlines and nagheadband na rin.

Teka? Parang hindi ko pa nakikita si Daniel? Hayae na nga. Magkikita naman kami sa Bus. Lahat kami pinapila na papunta sa bus! Asan si Daniel? Umalis kami ni Julia dun sa pila namin na papunta na ng bus. Pinuntahan namin tent nila DJ. Aba! Tulog pa pala si DJ at Diego! Ginising ko sila. Si Julia daw sasabihin lang daw sa Instructor na may hindi pa ready.

"DJ! DJ!Diego! Diego!" gising naman kayo! ughh!


 

Ayaw talaga nila magising. Inalog alog ko na silang dalawa. Sinigawan ko na nga lang.

 


"DIEEGGGGOOO!!!! DDDJJJJ!!!!!!!" sigaw ko. 



"Ano ba Kathryn?" sabi ni Diego tapos niyakap pa ulit yung unan. Hahambalusin ko to! Pigilan nyo ko!  



"Dalian nyo! Aalis na tayo! Maiiwan kayo! Maligo na kayo!" sabi ko. Its not yet working! ugh!



"Bes! *hingal* 10 mins daw! Bilis Diego! DJ!" sabi ni Julia.



"Antok pa ko! Hmm.." ungol ni Daniel habang tinatakpan sarili nya ng kumot.



"DJJ!! Bilisan nyo!" sabi ko.


Bigla syang napatayo nung narinig ako. "Kathryn??" I rolled my eyes. Kanina pa!



"Ligo na!!! Aalis na!!!" sabi ni Julia.

 


Mabilis silang bumangon at naligo na. Nakapag bihis na rin. Grabe tong dalawa. Nakakasura. Muntik na silang maiwanan.

High School Romance (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon