Chapter 3

33 1 0
                                    

Aubrey's POV

Kakatapos ko lang maligo. Nagsuot nalang ako ng maong shorts, white t-shirt, and slippers. Ganyan lang talaga ako kasimple manamit, sa bahay lang naman eh. Pagkatapos ko magsuklay bumaba na ako dahil gusto ko pang sakalin si Gabriella Silang (referring to Shawn). HAHAHA 

Siguro nagtataka kayo kung sa bakit iisang bahay lang kami nakatira ni dahil sa Laguna talaga yung parents ko nakatira at ganun di naman yung kay Shawn. At dahil nandito kami sa Manila nag- aaral, dito nalang kami pinatira ng parents namin.  

Dapat nga sa apartment lang kami eh, kas yung parents namin masyadong OA dahil baka daw madumi doon sa apartment or kung ano mang bacteria ang meron "daw" doon. Kaya pinagawaan nalang kami ng sarili naming bahay.

Si Shawn ang saya-saya dahil di na namin kailangan maging working student dahil wala na kaming babayarang water and electricity bills. Eh ako naman nahihiya sa parents namin dahil pinatayuan talaga kami ng bahay. Tsk!

soo back to the present time..

Kabababa ko lang nung nakita ko sina Shawn na nagtatawanan sa kusina. Kaya pumunta nalang ako dun, para makisali. Ang boring kaya ngayon. First day of classes na pala bukas, I wonder if when will Shawn buy new school supllies. Itatanong ko nalang siya mamaya. 

"Hey bestieee! How's your ligo? Fresh ka na?!"Shawn

"Tss. May kasalanan ka pa sakin."Ako. Umupo na ako sa katapat na upuan ni Luke, at kumuha na ng almusal. Sino kaya ang nagluto? Parang di naman si Shawn, dahil pag naluto yun ng hotdog may part talaga na super sunog. Eh ito perfect yung pagkakaluto, kaya sigurado akong di siya nagluto nito nuh! Duhh?!

"Bestieee naman eh! *pouts* Sorry na oh?!!" Shawn

"Tumahimik ka nga! Ang daldal mo!"Ako

"Eh bestieee---

"Isa pa Gabriella! Susungalngalin kita nitong hawak kong tinidor!" sabay tutok ko sa kanya ng tinidor na hawak ko na may nakatusok pang hotdog.

Bigla naman siyang tumahimik. Kapag kasi tinawag ko siyang Gabriella sigurado siyang naiirita na ako. Napatingin naman ako sa kaharap ko na pamasid-masid lang at ngumi-ngiti ngiti na parang ewan.

"Pst Luke! Nagbabakasyon ka ba dito?" tanong ko kay Luke

"Ummm... O--Oo naman." Sabi niya. Weird talaga ng lalaking to.

"Ah. owkaaay."

---

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan kung bakit daw iisa kami ng bahay ni Shawn, kung may boyfriend na daw ba ako, at marami pang mga bagay. 

Kakauwi lang ni Luke, naabutan pa siya ng tanghali sa kakatambay niya dito. Kaya dito naako ngayon sa kwarto, having alone time with myself. LOL Inaamin ko may pagkacorny talaga ako.

Nakahilata lang ako dito sa kama ko. Wala naman akong magawa ang born ng life. tsk!

Ay, nakalimutan ko palang itanong kay Shawn kung kailan siya mamimili ng school supplies, pero kung ayaw niya.... naku si Shawn pa! Papayag yun nuh, mall kaya yung pupuntahan namin. At first day of school na pala bukas. Kailangan na namin mamili.

Agad akong bumangon at pumunta sa kwarto ni Shawn. Pagkapasok ko bumungad na agad sa akin ang pink na pink na kwarto niya, pader, bed sheet, unan, upuan, laptop, etc. Lahat pink! Hayyy.

Nakita ko siyang nakadapa sa kama niya, naka earphones at nakaharap sa laptop niya. Ang hayahay ng buhay niya nuh? -_-

Tinanggal ko muna ang mga earphones na nakalagay sa tenga niya.

"Shawn, mamili na tayo ng school supplies. 1st day na bukas. Magbihis ka na." sabi ko sa kanya

"Oh my! Baka maraming boylets ngayon sa mall sis. Just wait, I'll just change." sabi niya at pumasok sa cr.

"K." yun nalang ang sinagot ko sa kanya dahil alam kong di niya rin naman ako narinig. Babaeng yun talaga, puro lalaki iniisip. Psh!

Bumalik na ako sa kwarto ko para magbihis. Nag jeans, black shirt na may nakalagay na "Geek" at merong owl na nakanerdy glasses at nagsuot  na rin ako ng blue converse. Pagkatapos tinali ko ng mahigpit ang buhok ko, at bumaba na.

Ilang minutes ko ring hinintay si Shawn dahil parang nalamon ata siya nung drawer niya sa kwarto. Antagal magbihis eh!

Pagkatapos niyang magbihis, sumakay na kami sa sasakyan ko. Sabi niya isa nalang daw yung gamitin namin, para daw makatipid. Nagulat pa nga ako, dahil gusto niya talaga yung kanya-kanya kami ng sasakyan pag pumunta kami sa mall or anywhere. 

Pagkasakay namin pinaandar ko na agad ang kotse and went to the mall.

Miss Bitter Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon