Red's POV
Kanina ko pa gustong pumatay ng asungot.... MGA ASUNGOT! Putchaa! Akala ko pa naman isa lang yung karibal ko, eh meron pa palang isa. Arrgh!
Kanina ko pa pinagmamasdan yung table nila, hindi na nga ako kumakain sa sobrang bantay ko. Kailan kaya ako makakatiyempo?? Langya naman.
Pagkatapos nilang kumain, tumayo na sila at umalis. Ako naman tong si dakilang stalker sinundan sila. Pagdating nila sa field humiwalay sa kanila sina Aubrey at yung bagong asungot, aba! didiskarte na yata yung letcheng yun!
Hindi sana papayag yung si Nico, pero napapayag pa rin siya ni Ms. Rockstar, feeling boyfriend naman yung hayop! Sinundan ko lang sila ng sinundan hanggang sa nakaabot sila sa garden ng school at tambayan ko pa talaga yung napili nilang puntahan. Tsk!
Umupo sila doon sa bench, sila lang naman yung student dito kaya babantayan ko sila. Nagtago nalang ako doon sa likod ng puno sa harap nila. Magaling kaya akong magtago at dito rin naman ako laging tumatambay sa ilalim ng puno. Pero sa mga naririnig ko, parang nagsisi yata akong sundan sila.
Aubrey's POV
"Ano nga pala ang trip mo at bakit dito ka nagcollege?" tanong ko dito kay Luke
Napagpasiyahan naming dalawa na mag-usap muna dahil sa biglaan niyang pag-enroll dito sa Eastwood University. Sasama nga sana samin si Nico, pero gusto ko kasi kami lang munang dalawa ni Luke. Kinilig naman ako kanina dahil gustong sumama samin ni Nico. Yiee
"Eh kasi may nagsabi sakin na follow your heart daw." sabi niya ng seryoso. Parang pinagti-tripan na naman ako nito eh. -_-
"Bakit nandito ba yung heart mo? Ba't buhay ka pa?" pambabara ko sa kanya. Tumawa naman siya.
"Edi follow your first love nalang." sabi niya sa akin habang nakangiti.
"Eh sino ba yung first love mo? Si Shawn? Ayieee." panunukso ko sa kanya. Malay ko ba kung matagal niya na pa lang gusto si Shawn.
"Hindi. Sa daldal nun, sa tingin mo magkakagusto ako sa kanya?" sabi niya sa akin na parang naiiritang ewan.
"Malay ko ba. Alam mo, wala kang kwentang kausap." sabi ko sa kanya na nakangiti. Eh totoo naman kasi.
"Okay. Magseseryoso na ako. Diane Aubrey Samonte, I miss you very much." sabi niya at bigla akong niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik, namiss ko rin naman tong buang na to eh. Haha
"I miss you too bestfriend." sabi ko sa kanya. At bumitaw na kami sa pagkakayakap.
"Akala ko hindi mo na ko babalikan at tuluyan mo na kong kinalimutan. Grabe ka! Ni hindi ka man lang nagpaalam sa akin!" dugtong ko pa at tuluyan ng tumulo yung luha ko. Ngayon ko lang narealize na ang OA ko pala. Tss.
"I'm sorry Aubrey. Gusto kasi nila mama na doon ako mag aral. At anong sabi mong kalimutan?! Ikaw?! Makakalimutan ko?! Haha. Hindi kita magawang kalimutan noh. At wag ka na ngang umiyak, ang pula pula na nung ilong mo oh! Para ka ng si Rudolph!" sabay pinch niya sa ilong ko.
"Oyyy! Huwag nga, ang sakit kaya!" sabay himas ko sa ilong ko.
"Masakit? Talaga? Edi wag na lang yun." sabay ngiti niya n nakakaloko. Ayy, ayan na naman siya.
"Uy! Wag! Nakikiliti ako. Hahahahaha!" tawa kami ng tawa, ng bigla nalang may nagsalita.
"Kung maglalambingan na rin lang kayo, wag dito please, dahil hindi lang kayo ang tao dito. Tss. Mga PDA." sabi ni Pula sabay walkout. Wow ha! Hindi manlang namin siya nakita kanina doon sa may puno na nasa harap namin. Siguro tamabayan niya dito, masyado naman yata siyang loner. Tsk tsk!
Luke and I decided na maglakad lakad nalang muna kami dahil hindi pa naman nagbe-bell, kaysa doon kami sa tambayan ni Pula. Baka marami pa siya doong kalahing ibang kulay. Hahaha
"Ano nga pala ang course mo?" tanong ko kay Luke
"Engineering, ikaw?"
"Business Ad. Sayang di tayo pareho ng course."
"Hayaan mo na, classmate naman siguro tayo sa iabng subjects diba?"
"Sana nga." sagot ko sa kanya at saktong-sakto nagring na yung bell.
Pagpasok ko sa room namin, ang saya ko dahil hindi na kami magkatabi ng upuan ni Pula. Pero mukha siyang badtrip na ewan, bahala nga siya! Basta magpapakasaya ako.
Red's POV
Pagkatapos kong magwalkout doon sa garden kanina, dumiretso na agad ako sa classroom. Lagi nalang akong badtrip. Aiiiish!
Nung nagbell na, nakita kong pumasok sa room namin si Ms. Rockstar. Yes! Wala na siyang kasamang asungot. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga nakita ko kanina, naghaharutan talaga sila. Mga walangya! Doon pa talaga sa tamabayan ko.
Hanggang sa dumating na yung subject teacher namin. Tutal wala naman akong ganang makinig, ikwe-kwento ko nalang sa inyo kung bakit inlove na inlove ako kay Ms. Rockstar.
Flashback (Five years ago)
1st year highschool palang ako nun. Habang nagvivideo games ako sa kwarto ko, kakagaling ko lang nun sa school, nang pinatawag ako ni Dad sa office niya, may office kasi siya dito sa bahay namin. Pumunta agad ako doon sa office niya, dahil sabi nung maid namin importante daw yung sasabihin ni Dad.
Kumatok ako sa pinto ng office niya. Kinakabahan pa ako nun, baka kasi may nagawa akong masama.
"Come in." sabi ni Dad at pumasok na ko.
"Hey son, I have something very important to tell you." sabi niya sakin habang nagspa-sparkle yung mga mata niya, ganito si Dad pag masaya o nae-excite siya. Ang cool nga niya eh! Haha
"What is it Dad?" tanong ko sa kanya.
"You are going to marry the daughter of my one and only bestfriend, Diego Samonte."
"What?! Ipapa-arranged marriage mo ko?!" gulat kong tanong sa kanya. Eh paano pag pangit yung babaeng yun? Edi ang pangit ng magiging anak namin in the future. Aiish! Ano ba tong pinag-iisip ko?! Anak agad?!
"Yes son. I think that girl is beautiful." sabi ni Dad na parang nagspa-sparkle na naman yung mga mata.
"Dad, 13 years old pa lang ako! Ano ka ba?!" sabi ko sa kanya. Ang bata bata ko pa para sa mga ganyan, at saka gusto ko pang maranasan yung teenage life noh!
"Pag nagsecond year pa naman kayo ikakasal. Ikaw naman oh?!" sabi sakin ni Dad.
"But Dad.."
"Okay! Okay! Bibigyan kita ng time para makapagdecide." sabi niya sa akin.
"Thanks Dad. By the way, what's her name?" interesado kong tanong sa kanya.
"She is Diane Aubrey Samonte." sagot sakin ni Dad na nakangiti ng nakakaloko.
"Got it. Thanks Dad. Bye!"sabi ko sa kanya sabay labas ng office niya at pumasok sa loob ng kwarto ko.
Kinuha ko kaagad ang laptop ko and opened my facebook account. Then ti-nype ko na yung name ng soon-to-be-wife ko.
BINABASA MO ANG
Miss Bitter Falls Inlove
Подростковая литература"I think I'm falling inlove to that rude man. Noooo!" -Diana Aubrey Samonte "I've been waiting for her for so long. I promised myself that she'll be mine NOW." ...