HARITH'S POV
Uwian na at nandito ako ngayon sa rooftop ng senior high building. Bago ako pumunta rito kanina ay kinukulit nila akong wag na pumunta dahil baka raw may mangyaring masama sa'kin. Kaya ko naman ang sarili ko saka gusto ko rin malaman kung bakit nila ko pinapunta rito.
Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Imbis na yung tatlong babae ang pumasok ay nakita ko si Tyrell.
"Anong ginagawa mo rito, Tyrell?" Takang tanong ko sa kan'ya at lumapit naman siya sa'kin saka ako hinila palabas ng pinto pero bago kami makalabas ay nakarinig kami ng footsteps ng mga paparating.
Tumingin tingin si Tyrell sa paligid hanggang sa makakita kami ng kahoy sa gilid ng rooftop, pwedeng pwede itong taguan. Hinila niya ko papunta doon saka kami nagtago.
Magtatanong sana ko sa kan'ya pero nag sign siya sa'kin na wag akong maingay. Tumingin naman ako sa maliit na butas ng tinataguan namin. May mga dumating na estudyante, apat na lalake at tatlong babae. Yung tatlong babae ay yung kanina sa cafeteria.
"See? Sinabi sayong hindi siya pupunta dahil malamang natakot 'yon." Sabi nung babae na sa mukha pa lang ay halata ng siya ang pinakamataray na sa kanilang lahat.
"Dapat pala ay kinaladkad na lang natin siya kanina nung nasa cafeteria tayo." Sabi nung babaeng naninigarilyo.
"Ano bang ginawa ng babaeng 'yon sa inyo?" Tanong ng lalakeng may hawak na alak.
"Inaahas niya si Kalix kay Hazel." Sagot nung babaeng kanina pa nakangiti.
"Mag ex na sila 'di ba?" Tanong naman nung lalakeng kanina pa nag c-cellphone.
"Sa tingin mo ba papayag si Hazel na maging ex lang siya ni Kalix? Dapat matagal ng sa'kin si Kalix kung hindi lang dahil kay Hazel." Sabi ulit nung babaeng nakangiti.
"Umalis na tayo wala na naman tayong gagawin dito." Pag-aya sa kanila nung malaking lalake at umalis naman na sila.
Ramdam kong napahinta naman ng maluwag si Tyrell sa gilid ko. Lumabas na rin kaming dalawa.
"Masasamang tao ba sila?" Tanong ko sa kan'ya kaya napatingin naman siya sa'kin.
"Hindi mo ba narinig yung mga sinabi nila? They are planning to hurt you." Sagot niya sa'kin at napangiti naman ako.
"Salamat." Napaiwas naman siya ng tingin sa'kin.
Bumaba na kaming dalawa sa rooftop. Tahimik lang kami habang naglalakad papunta sa gate. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kan'ya.
Wala pang ilang minuto ay natatanaw ko na ang gate. Biglang huminto si Tyrell kaya napahinto rin ako sa paglalakad.
Nagtaka ko ng dahan dahan niyang inabot sa'kin ang cellphone niya.
"Number mo. Baka may mangyaring masama sayo sa susunod, itext at tawagan mo lang ako." Hindi makatinging sabi niya sa'kin at halata rin sa boses niyang nahihiya siya.
Napangiti naman ako saka kinuha ang cellphone niya, sinave ko ang number ko at sinave ko rin ang number niya sa cellphone ko.
Naglakad na ulit kami at pagkarating namin sa gate at namaalam na kami sa isa't isa. Plano pa nga niya kong ihatid pauwi pero sinabi kong wag na dahil baka gabihin pa siya.
Nagsimula na kong maglakad at maya maya pa ay pansin kong may sumusunod sa'kin. Nung tumingin ako sa likod ay nakita ko si Senrill, kumaway pa siya sa'kin. Naglakad siya palapit sa'kin hanggang sa magkasabay ka kaming naglalakad.
"Dito ka rin pala nag-aaral, Harith?" Tanong niya sa'kin.
"Oo, ngayong araw lang ako nagsimulang mag-aral dito." Paliwanag ko sa kan'ya at tumango naman siya.
"Hindi ka man lang ba mamamasahe? Ang layo ng bahay mo ah, isang oras ata ang aabutin bago ka makauwi sa inyo saka nagdidilim na rin." Sabi niya naman pero wala naman talaga kong pake kahit na abutin ako ng gabi. Kayang kaya ko rin protektahan ang sarili ko.
"Ano yung mamamasahe?" Takang tanong ko sa kan'ya at bigla naman siyang natawa.
"Ibig sabihin no'n sasakay ka sa jeep o tricycle para mas mabilis kang makapunta sa pupuntahan mo." Nakangiting paliwanag niya. Nadagdagan na naman ang kaalaman ko.
"Mauuna na ko Harith, nandito sa papasok na lugar na 'to ang bahay ko. Mag-iingat ka ha?" Nakangiting paalala niya sa'kin at tumango naman ako saka ngumiti rin. Ang bait niya.
Pinagmasdan ko ang lugar kung saan ang papunta sa bahay ni Senrill, eskinita ito at may mga bahay sa looban.
Nagpatuloy na ko sa paglalakad. Kung tutuusin kayang kaya ko makauwi agad sa loob ng dalwang segundo pero mas gusto kong pagmasdan ang mga lugar na dinaraanan ko habang pauwi.
Pagkalipas ng halos isang oras na paglalakad ay nakarating na ko sa bahay ko. Nagtaka naman ako ng makitang may nakapark na sasakyan sa harapan at may lalakeng nakatayo sa gilid nito.
Nang makalapit ako ay namukhaan ko na kung sino siya.
"Souulll!" Masayang tawag ko sa pangalan niya. Napatingin naman siya sa'kin saka napatingin sa uniform ko.
"Galing ka school?" Tanong niya at tumango naman ako.
"Anong grade mo?" Tanong niya pa.
"Grade 10." Maikling sagot ko at napakunot naman ang noo niya.
"Seryoso ka ba? Hindi ka mukhang grade 10, ilang taon kana ba?" Sunod sunod na tanong niya at naguguluhan na ko.
"180 years old." Nakangiting sabi ko na ikinagulat niya.
Bigla naman akong naalarma ng makaramdam ako na mali ang sinabi ko at wala akong pwedeng sabihin tungkol sa pagkatao ko.
"Joke, 18 pa lang ako." Sabi ko saka tumawa para itago ang pagkabahala ko.
KALIX'S POV
Nawala naman ang pagkagulat ko sa sinabi niya. Napabuntong hininga naman ako. Muntik na kong maniwala lalo pa't kakaiba ang mga mata niya nung gabing 'yon.
"Naglakad ka lang ba pauwi?" Tanong ko sa kan'ya at tumango naman siya.
"Pumasok muna tayo sa loob, nangangalay na ko." Aya niya saka naglakad papasok at sumunod naman ako.
Nakita ko si Wes na tuwang tuwa at dali-daling pumunta kay Harith.
"Teka papakainin ko muna si Wes." Sabi ni Harith at tumango naman ako.
Nilabas ko muna ang cellphone ko saka nag Facebook. Kahapon ko pa hindi nirereplayan ang mga tropa ko. Hindi rin ako pumasok ngayong araw dahil alam kong lalapit na naman sa'kin ni Hazel at mang gugulo.
"Souuull! Waaaaaahhh tulooongg!" Sigaw ni Harith kaya naman dali dali akong pumunta sa lugar kung nasa'n siya.
"Bakit?!" Bungad na tanong ko at nagtago naman siya sa likod ko.
HARITH'S POV
"Ano yang nilalang na yan na may pakpak?!" Natatakot kong tanong sa kan'ya habang nakakapit sa damit niya.
"Nasaan?" Tanong niya at tinuro ko naman ito.
"Ha? Ipis lang yan oh." Sabi niya at dahan dahan pinuntahan yung ipis na tinatawag niya. Nakatitig ako sa kan'ya at nagulat ako at napatakbo nang bigla itong lumipad papunta sa mukha niya.
Nang nasa sala na ko ay lalabas sana ko pero napansin ko yung cellphone niya, may tumatawag.
Kinuha ko naman ito saka sinagot ang tawag. Nagulat ako ng makita ko ang mukha ko sa screen pati na rin ang mga mukha ng lalakeng nasa screen.
"Hoy Harith!" Napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko si Soul na hawak yung ipis kaya natakot ako bigla. Tatakbo na sana ko pero huli na ang lahat dahil bigla niya kong niyakap sa leeg saka nilapit sa mukha ko yung ipis.
Tawa naman siya ng tawa habang nagpupumiglas ako sa kan'ya pero natigil din siya ng makita ang cellphone niya na hawak ko. Muntik ko na rin malimutan na hawak ko ang cellphone niya at may mga lalake sa screen, kitang kita rin kaming dalawa ni Soul sa screen.
[What the heck dude? So totoo yung pictures?!] Gulat na sabi nung isa habang ako naman ay hindi alam ang nangyayari.
∆