HARITH'S POV
Pagkapasok ko sa classroom ay nagpuntahan agad sa'kin ang mga kaklase ko saka sunod sunod na nagtanong sa'kin kung anong nangyari kahapon. Umupo muna ko sa upuan ko saka kinwento ang nangyari.
Nang matapos kong ikwento lahat ay napatingin sila kay Tyrell na kapapasok lang ng classroom.
"What?" Iritang tanong nito sa kanila.
"Ayiieeeee!!!"
"Ikaw haaaa di ka nagsasabi!"
"Halatang crush na crush mo si Harith ah."
"Tyrell natin binata na."
Ilan lang yan sa mga pang-asar na naririnig ko sa kanila. Si Tyrell naman ay halatang gulat pero pansin kong bigla rin namula ang mukha niya.
"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kan'ya pagkaupo niya sa katabing upuan. Lumingon naman siya sa'kin at tumango saglit saka umiwas ng tingin.
Pumasok na ang teacher namin saka nagsimulang magturo.
•••
Pagkatapos ng dalawang oras na klase ay break time na. Discussion at by partner lang sa project ang naganap.
Si Tyrell nga pala ang partner ko dahil bunutan ang naganap. Kasama ko ngayon ang mga kaklase ko papuntang cafeteria.
Habang naglalakad ay nag k-kwentuhan silang lahat lalo na yung about sa project namin. Gusto ko sanang kausapin si Tyrell about sa project namin pero baka asarin na naman siya ng mga kaklase ko.
Pagkarating namin sa cafeteria bumili agad kami ng pagkain saka umupo sa gilid.
"Harith, close ba kayo ni Kalix?" Tanong ng isang kaklase ko kaya napatingin silang lahat sa'kin habang hinihintay ang sagot ko.
"Sakto lang." Sagot ko at parang namangha naman sila.
"Pa'no kayo nagkakilala?" Tanong pa nila. Napansin ko si Tyrell na nakatitig sa'kin at mukhang gusto rin malaman.
Wala na kong nagawa kaya kinwento ko sa kanila ang nangyari nung gabing nagkakilala kami ni Kalix at Senrill. Yung mga reaction nila ngayon ay parang namangha.
Buti na lang ay hindi na sila nagtanong pa ulit hanggang sa matapos kaming kumain lahat.
Bumalik na rin kaming lahat sa classroom at maya maya pa ay dumating na ang teacher namin.
"Ms. Collins pinapatawag ka nga pala ng principal sa office ng senior high building." Bungad nito sa'min pagkatapos namin siya batiin.
"Sige po." Sabi ko saka tumayo, nagkatinginan pa kaming dalawa ni Tyrell at yung tingin niya sa'kin ay para siyang nag-aalala. Nginitian ko naman siya saka ako naglakad palabas.
Hindi masyadong marami ang mga estudyante ngayon sa hallway, siguradong break time ngayon ng ibang grade.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na ko sa senior high building. Medyo maraming estudyante dahil mukhang break time ata nila. May ibang napapatingin sa'kin.
Hindi ko nga pala alam kung saan ang office dito sa senior high building. Tumitingin ako sa mga estudyante kung sino ang pwedeng pagtanungan.
Maya maya pa ay may lumapit sa'kin, parang pamilyar yung itsura niya.
"Ikaw yung gf na ni Kalix, 'di ba?" Tanong nito sa'kin kaya napakunot naman ang noo ko.
"What I mean is ikaw yung nakavideo call namin tapos magkasama kayo ni Kalix." Paliwanag niya na naintindihan ko naman kaya naman tumango ako agad.