KALIX'S POV
Nang magising ako ay agad kong naalala yung nangyare kagabi kaya tumayo na ako saka nag inat saglit. Kakagising lang din nung isang lalake at mukhang ayos na siya. Sabay pa kaming napatingin sa baba ng may gumalaw at pareho na lang kaming napasigaw sa nakita namin.
"Shit!" Mura ko saka nagtago sa likod ng sofa. Sino ba namang hindi matatakot pag nakakita ng malaking aso?!
Teka, naalala ko yung sinabi nung babae kagabi.
"Wolf, Wes ang pangalan niya."
"Ang aga aga ang ingay niyo." Sabi nung babae na mukhang nagising dahil sa sigaw namin kanina.
"Totoo ba yung sinabi mo kagabi? Wolf ba talaga yan?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa'kin at napahikab pa siya.
"Gaya ng sinabi ko sayo kagabi ay wolf nga siya, isang white wolf ang alaga ko." Sabi niya kaya pareho na lang kaming napasinghap nung lalake.
"Seryoso ka? Ngayon lang ako nakakita ng taong may alagang wolf." Sabi nung isang lalake kaya napatango naman ako sa kanya bilang pagsang-ayon.
"Hindi naman kayo lalapain ni Wes." Kalmadong sabi niya saka tinawag ang alaga niya at pinaupo sa sofa, niyakap pa niya ito kaya napangiwi na lang ako. Kumalma na ako at naupo na ulit sa sofa maging yung isang lalake.
"Baka gusto niyong magpakilala sakin." Sabi niya ulit saka tumingin samin.
"Ako si Kalix."
"Senrill." Pakilala nung isa.
"Ako naman si Harith. May alam ba kayong kainan? kagabi pa ko nagugutom eh." Tanong nito kaya bigla din akong nakaramdam ng gutom. Inom nga lang pala ang ginawa ko kagabi at hindi ako nakakain.
"Tara." Aya ko sa kanila saka tumayo at pati yung wolf na si Wes ay tumayo. Mukhang gutom na rin 'to kaso nga lang ay hindi siya pwedeng sumama.
"Harith, mas makabubuting hindi mo siya isama dahil siguradong hindi tayo makakakain ng maayos." Sabi ni Senrill at sumang-ayon naman ako. Siguradong magtatakbuhan ang lahat ng tao pag nakita nila si Wes.
"Wes iiwan muna kita dito ah. Bibilhan na lang kita ng pagkain kaya bantayan mo muna ang bahay." Sabi ni Harith at naglakad na kami palabas.
"Maglalakad ba tayo? Malapit lang ba ang kainan?" Tanong nito nang makalabas kami.
"Aabutin tayo ng isang oras kung maglalakad tayo. May sasakyan naman ako." Sabi ko ng makita ko ang gray na mustang ko.
Pumasok na kami sa loob. Sa likod nakaupo si Harith habang pinagmamasdan ang loob ng sasakyan at sa unahan naman kami ni Senrill. Pinaandar ko na ang makina at nagsimula ng mag drive.
"Oo nga pala kagabi, anong ginagawa niyo sa labas?" Tanong ni Harith kaya napatingin naman ako saglit kay Senrill.
"Bakit ka nga pala binugbog nung tatlong lalakeng yon?" Tanong ko at napatingin naman siya sa labas ng bintana.
"Pauwi na talaga ko no'n ng makasalubong ko sila. Hindi ko naman sila kilala tapos bigla nilang hiningi ang pera ko. Pumalag ako sa kanila pero bugbog pa rin." Sagot nito saka tumawa ng mahina.
"Eh ikaw?" Tanong ni Harith saka ako tinuro.
Kinwento ko naman sa kanila kung paano ako napadpad sa lugar na yon pati yung katangahan ko sa camera na biglang nag flash. Tawa ngayon ng tawa si Senrill habang si Harith naman ay hindi yata na gets ang nangyare. Bahala siya diyan.