Chapter 3: Another World

6 1 0
                                    

HARITH'S POV

Nakarating na kami sa dulo ng gubat. Marami rin kaming nakasalubong na halimaw na sa dulo lang ng gubat matatagpuan pero dahil kay Wes ay hindi sila pumalag.

Bumaba na kami ni Astrid at nasa harap kaming dalawa ngayon ng isang kuweba kung saan dito raw natagpuan ng asawa ni lola Lordes ang lagusan papunta sa ibang mundo.

Papasok na sana kami ng may lumabas na isang matandang lalake. Nagulat pa siya ng makita kami lalo na si Astrid.

"Astrid, anong ginagawa mo dito?" Tanong nito at bigla siyang napaatras ng lumitaw sa likod namin si Wes na kasing laki na ngayon ng isang karwahe.

"Wag po kayong mag-alala lolo, mga kaibigan ko po sila." Pagkumbinsi ni Astrid sa lolo niya.

"Pati yung malaking aso ay kaibigan mo din?" Hindi makapaniwalang tanong nito habang tinitingnan si Wes.

"Ganon na nga po. Pumunta po kami dito dahil gusto niyang makita ang natagpuan niyong lagusan papunta sa ibang mundo. Gusto ko ding makita, lolo." Paliwanag ni Astrid.

"Sumunod kayo sakin." Aya nito at naglakad na papasok sa loob. Iniwan ko si Wes sa labas para may bantay.

Hindi masyadong madilim sa loob dahil sa liwanag ng buwan sa labas. Nakarating na kami sa dulo ng kuweba at namangha ako sa nakita ko dahil ang ganda ng lugar na 'to.  Nakita ko ang tinutukoy niyang lagusan at nakalutang lang ito sa ibabaw ng tubig at mga bato.

"Ang ganda

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ang ganda." Manghang sabi ni Astrid habang nakatingin sa lagusan.

"Sinubukan niyo na po bang pumasok sa lagusan na 'to?" Tanong ko sa lolo niya.

"Ilang beses ko ng sinusubukan pero lumulusot lang ang kamay ko sa likod ng lagusan. May lumabas din kanina na letrang 'V, W, Gs' na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin." Sabi nito at napaisip naman ako.

"V,W, at Gs." Banggit ko at biglang akong nagkaroon ng ideya.

"Hindi kaya ang ibig sabihin po no'n ay Vampire, Witches, at Goddess?" Sabi ko na nakuha naman ni lolo.

Naks, makatawag ng lolo kala mo talaga apo eh.

"Ibig sabihin ay Vampire, Witches, at Goddess lang ang pwedeng pumasok sa lagusan na yan?" Tanong ni Astrid at napatango naman ako maging ang lolo niya.

"Anong lahi po ba kayo?" Tanong ko kay lolo.

"Demi-Human." Sabi nito at namangha naman ako. Rare kase ang mga demi-humans at ang astig nila.

Ang mga demi-humans ay may parte sa kanila na parte ng hayop at pwede ding meron silang kakayahan ng isang hayop. May nakilala ko dating demi-human na sobrang bilis tumakbo kaya namangha talaga ko ng sobra.

"Edi kailangan nating humanap ng vampire, witch, saka goddess para ipasubok sa kanila ang lagusan?" Tanong ni Astrid at napailing naman ako.

"Hindi natin pwedeng sabihin kung kanino lang ang lagusan na 'to. Paano na lang kung masasamang tao pala sila?" Sabi ko at napatango naman ang lolo niya.

The Art of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon