HARITH'S POV
Nandito ako sa bayan namin at naglilibot. Tumakas ulit ako sa'min dahil wala akong magawa sa bahay saka kailangan kong makalanghap ng preskong hangin.
"Magandang umaga, Harith!" Bati ng ilang nakakasalubong ko at nginingitian ko naman sila. Kilala na ko dito sa bayan namin kaya hindi na bago sa'kin ang pagbati ng karamihan.
Maya-maya pa ay may nakita akong hindi kanais-nais sa isang gilid. Lumapit ako at kinalabit siya sa likod, nagulat pa siya sa ginawa ko at napalingon sakin.
"W-wala akong ginagawang masama!" Sabi niya sakin sabay taas ng dalawang kamay at nahulog ang kinuha niyang mansanas.
"Sigurado ka?" Mapanuring tanong ko sa kanya saka tumingin sa mansanas na nahulog at napalunok naman siya.
"Hindi kona uulitin! Wag mo ko isusumbong, pakiusap." Sabi niya at halata sa mukha niya na kinakabahan siya.
"Siguraduhin mo yan ah." Sabi ko at nginitian siya. Naglakad na ko paalis, plano kong pumunta sa gubat para sunduin si Wes.
Nang nasa loob na ko ng gubat ay pumito ako at maya maya pa ay lumitaw na siya. Isang malaking white wolf si Wes kaya kahit sino ay matatakot sa kanya.
"AHHH!!"
Napatingin ako sa sumigaw at nakita ko yung batang lalake kanina na kumuha ng mansanas. Napaupo siya sa damuhan ng makita si Wes.
Sinenyasan ko si Wes na wag mabahala saka ako lumapit sa batang lalake. Takot pa rin siyang nakatingin kay Wes. Nang makita niya ko ay napaatras pa siya.
"Bakit mo ako sinundan?" Tanong ko sa kan'ya at napalunok naman siya.
"N-nakita ko kasi kanina na papunta ka sa gubat. Sa gitna ng gubat ang bahay namin kaya naisip kong sumabay." Kinakabahang sabi niya lalo na't nakatingin sa kan'ya si Wes.
"Sa tingin mo ba matatawag mo pa yong pagsabay kahit na hindi ko naman alam na sumasabay ka pala sakin?" Tanong ko sa kan'ya at napaisip naman siya saglit.
"Ngayon alam mo na." Pilosopong sahi niya kaya pinitik ko ang noo niya.
"Aray!"
"Pilosopo ka ah. Tara, sumabay kana sa'kin dahil dadaan kami sa gitna ng gubat." Nakangiting sabi ko sa kan'ya.
Tumayo na siya at nagsimula na kaming maglakad, ilag pa rin siya kay Wes. Ang sarap maglakad ngayon sa gubat dahil maaliwalas at rinig na rinig ko ang mga huni ng ibon maging ng ibang hayop.
"Ano nga pa lang pangalan mo?" Tanong niya sakin. Napangiwi na lang ako dahil hindi man lang siya gumamit ng 'po' o kaya ay 'ate'.
Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya. Nang humarap siya sakin ay pinitik ko ulit ang kanyang noo.
"Aray! Para saan naman yon?" Tanong niya habang hinihimas ang kanyang namumulang noo. Masakit ako pumitik at proud ako sa skill ko na 'to.
"Matuto kang gumalang sa mas matanda sayo." p
Pangaral ko sa kan'ya at nginiwian lang niya ko."Opo, Lola." Sabi niya kaya pinitik ko ulit ang noo niya. This time, pulang pula na ang noo niya.
"Ate Harith, yan ang itawag mo sakin." Pakilala ko sa kan'ya habang nakapamewang.
"Sige, Harith." Nakangising sabi niya saka tumakbo. Hinahamon ako ng batang 'to ah.
"Wes!" Tawag ko at tumakbo naman siya saka hinabol yung bata.