Chapter 8: Connected

1 1 0
                                    

KALIX'S POV

"Teka anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ni Harith. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa kan'ya saka lumabas. Tinapon ko na rin yung ipis na hawak ko.

[Hoy Kalix baka gusto mong magpaliwanag sa'min?] Sabi ni Kiel at kita kong kasama niya si Dust.

"Wala naman akong ipapaliwanag." Sagot ko at kita ko namang sinamaan nila ko ng tingin.

[Aminin mo na pre, gf mo ba 'yon?] Pangungulit ni Dust kaya napabuntong hininga naman ako.

"Hindi ko siya gf." Pagsagot ko at parang na disappoint sila.

[Edi pwede ko siyang ligawan kung hindi mo siya gf?] Nakangising tanong ni Kiel kaya sinamaan ko naman siya ng tingin. Nagtawanan naman ang dalawang bugok sa tingin ko.

[Hindi raw gf pero kung makatingin.] Pang-aasar ni Dust.

[Kelan mo balak pumasok pre?] Tanong nI Kiel. Ilang araw na rin akong di pumapasok, oras na siguro para pumasok na ko.

"Bukas papasok na ko." Sabi ko sa kanila saka nagpaalam na.

Tinago ko ang cellphone ko saka pumasok sa loob. Nadatnan ko naman si Harith na nakaupo sa sofa at mukhang kanina pa ko hinihintay.

"Anong nangyayari?" Bungad na tanong niya sa'kin na inasahan ko naman.

"Tumawag mga tropa ko." Sagot ko at kumunot naman yung noo niya.

"Hindi yan! Pa'no ko sila nakikita sa screen?" Seryosong tanong niya kaya natawa naman ako. Pinaliwanag ko naman ang tungkol sa video call. Namangha pa siya matapos kong magpaliwanag.

"Teka bakit ka nga pala pumunta dito?" Tanong niya at napaisip naman ako kung bakit nga ba ko nandito.

"Nakalimutan ko na. Uuwi na ko." Paalam ko sa kan'ya at tumango naman siya saka ako hinatid sa labas.

"Ingat." Sabi niya pagkapasok ko sa sasakyan. Tumingin muna ulit ako sa kan'ya saka nagdrive paalis.

"You're destined with the vampire, kid."

Naalala ko na naman yang sinabi ng lalake sa'kin. Naguguluhan na ko.

Pagkalipas ng halos isang oras ay nakauwi na ko. Naabutan ko si Seira sa sala at nagbabasa na naman ng libro. Ano pa bang bago?

Aakyat na sana ko sa kwarto ko pero may naisip akong itanong sa kan'ya.

"Seira." Pagtawag ko.

"What?" Hindi nakatingin na sagot niya at tanging sa libro pa rin nakafocus.

"What if I'm destined with a vampire?" Tanong ko na ikinatigil niya sa pagbabasa. Napatingin siya sa'kin at nakakunot ang noo.

"What's with that question?"

"Nevermind." Sabi ko saka umakyat na papunta sa kwarto ko.

Pagkahiga ko sa kama ay agad kong binuksan ang cellphone ko. Hinanap ko sa gallery ang picture ni Harith saka tinitigan.

"Shit. Nababaliw na ata ako." Walang ganang sabi ko saka tinabi ang cellphone ko. Makatulog na lang.

•••

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Pagdilat ko ay nakabukas pala ang kurtina.

"Anong oras na ba?" Tanong ko sa sarili ko saka bumangon at sandaling nag-inat.

Tumingin ako sa orasan sa ng alarm clock ko at biglang nagising ang buong diwa ko ng makitang 20 minutes na lang ang natitira bago ako ma-late.

The Art of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon