KALIX'S POV
From: Kiel
Bro, mamayang 7 pm. Same place.
Pagkatapos kong mabasa ang text niya ay tinabi ko na agad ang cellphone ko. Pumunta ako sa garden namin at nakita ko siyang nakaupo sa damuhan habang nagbabasa na naman ng libro. Nang makalapit ako sa kanya ay umupo ako sa tabi niya.
"Reading vampire stories again?" Tanong ko sa kanya ng hindi nakatingin.
"You know that I'm always reading vampire stories. You don't need to asked me everytime you see me reading." Sagot niya at napabuntong hininga na lang ako.
"Why are you so addicted to them? They're not real." Sabi ko saka pinagmasdan ang mga bulaklak sa paligid.
"99% of our world is a mystery. No, it's the whole universe that is mystery." Sabi niya na ilang beses na niyang nasabi sakin.
"Get a boyfriend, Seira." Sabi ko sa kan'ya at this time ay tumingin na ko sa kan'ya.
"I hate commitment. I don't need a boyfriend." Sabi nito na nakatingin pa rin sa binabasa niya.
Yes, mas mahalaga yung binabasa niya kesa sa'kin na kapatid niya. May naisip ako bigla.
"Let's make a deal." Nakangising sabi ko kaya napatingin na siya sakin. I know her, hindi siya papatalo.
"Explain" Napangisi naman ako sa sagot niya.
"If I'll get a girlfriend, you'll attend in a blind date." Nakangising sabi ko pero ngumiwi lang siya.
"What?"
"Ayoko. For sure, kahit sino syosyotain mo." Sabi niya kaya natawa na lang ako. Magsasalita na sana ako kaso lang ay nagsalita ulit siya.
"I'll agree unless I saw you falling in love in someone." Sabi niya at this time ay siya naman ang ngumisi at napangiwi naman ako.
"As if I'll fall in love in someone." Walang ganang sagot ko.
I don't believe in that shit. All girls are the same especially girls on my school. Makakita lang ng gwapo at mayaman landi agad kaya nawawalan na ko ng ganang pumasok.
"You will." Sabi niya saka ako nginitian at nag focus na ulit sa binabasa niya.
"Aalis nga pala ko mamayang 7." Paalam ko sa kan'ya at nag okay sign lang siya.
Napagpasyahan ko ng pumasok sa loob ng bahay at tumambay sa kwarto ko. Naalala ko dati nung bata ako may nakilala akong lalake, he's really weird especially those words he said to me.
Nag vibrate naman ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at binasa ang text.
From: Kiel
Bro, pumunta kana dito. Nandito na yung mga abnormal. Napaaga eh, nadamay lang ako.
I guess it's time to go since I don't have any business here. Hindi ko na pinalitan ang damit ko. Lumabas na ako ng bahay at nagpaalam sa kan'ya, tumango lang siya.
On the way na ko ng mapansin ko ang kalangitan. It's just 6 pm but it's really dark na akala mo ay 10 pm na. Idagdag mo pa yung mapulang buwan, what the heck is going on?
Nang makarating ako lugar na laging tinatambayan namin ay pumasok na ko sa loob. As usual, maingay.
"Kalix! Here." Tawag sa'kin ni Sei kaya pumunta ko sa pwesto nila at umupo.
"Hindi ka raw pumasok kanina ah." Sabi ni Dust saka uminom. Nilagyan na rin niya ng alak ang baso ko.
"Ayos sana kung magkaka thrill buhay ko pag pumasok ako kaso hindi." Sabi ko saka uminom.