Zacarry's POV:
Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko noong makita ko sya sa hallway ng condo ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Until now di ako maka get over na neighbors kami. Ang tadhana nga naman. Kalilipat ko lang din naman dito 2 weeks ago kaya siguro hindi ko sya napapansin. Hindi rin naman ako lumalabas masyado kasi mdami pa akong inaayos sa condo ko. Makapag mall na nga muna and I'll buy some groceries na rin. At may naisip akong magandang plan para makausap ko ulit si Aly. I called Josh to get Aly's number. Alam kong magugulat sya at magtataka kung paano ko nakuha ang number nya.
"Hello? Yes this is Aly. Who's this? she said.
"It's me Zac." I said. Kinakabahan pa ako kasi baka sungitan nya ako.
"Why? And where did you get my number?" I knew it. Ramdam ko na naiinis sya ngayon kasi tinawagan ko sya. Pero dapat chill lang ako. Wag mong ipahalata na kinakabahan ka Zac!
"Josh gave it to me. Well, I'm here at the mall to buy some groceries. Uhm, do you need anything? Isasabay ko na. We're neighbors naman. Right?" Yan na lang ang sinabi ko. Totoo naman na mamimili ako ng groceries pero syempre gusto ko syang makita ulit at makausap kahit saglit lang. Kaya nag-offer ako na isasabay ko na kung may kailangan sya sa condo nya.
"I don't need anything. So don't bother. Bye." binaba na nya ang phone. Hindi man lang ako nakapag goodbye sa kanya. Wala na akong nasabi bago nya ibaba ang tawag ko sa kanya. Ang hirap talaga intindihin ng mga babae. Lalo na 'tong si Aly. Ngayon lang ako tinanggihan ng babae. Ngayon lang! Tss Nakakainis.
Pumunta na ako sa supermarket at binili ang mga kailangan ko. Nagtingin na rin ako ng mga damit pagkatapos ko mag grocery. Tapos umuwi na ako.