Pool side

40 2 9
                                    

Aly Fuentes POV

Sya yung lalaking mayabang kanina sa mall. Yung walang hiyang natapunan ako ng soda dahil sa busy sa kakatext. Aissh! Ang malas malas ko talaga. Bakit sya pa???!


Tss.


Tinapos ko na lang yung kinakain ko at niyaya ko na si Kuya Josh para pumunta sa may living room.


"Bunso kilala mo pala si Zacarry. Friends ba kayo?" Tanong ni Kuya Josh habang nakabungisngis.


"No kuya! Hindi kami friends! Sya yung sinasabi ko sayo kanina." Aish kapag minamalas ka nga naman.


Natapos na ring kumain sina Tita Sab. Andito na rin sila sa living room.


"Zac meet my niece Aly. Sya yung madalas kong ikwento sa inyo ng mommy mo."


"Actually tita nakita ko na sya sa mall kanina. Anyway, Aly can I talk to you?" Nagulat ako sa mga sinabi nya. Malumay syang magsalita ngayon. I didn't expect na ganun sya magsalita sa harap ko ngayon. Hm? Siguro pakitang tao nya lang 'to sa mga tita ko.


"Tita Sab pwede po bang dun muna kami ni Aly sa pool side? Uhm, is it okay?"


"Sure iho."


Tumungo na kami sa may pool. Ano naman kayang sasabihin ng lalaking ito. Tss. Hindi talaga ako komportable na kasama ko sya ngayon.


Josh Fuentes POV

Hi ako nga pala si Josh! Ang Dad ko at dad ni Aly ay magkapatid kaya yun. Haha Ako ang pinakagwapong pinsan at bestfriend ni Aly! Hahaha! Thank you author sa first POV ko! Mwuaaaah! *^_______^*


Tinawagan ko si Aly kanina para pumunta dito sa bahay. May ipapakilala daw si Mom sa kanya eh. Well, kilala ko naman si Zacarry tiwala ako sa kanya kasi halos magkababata naman kami nina Aly. Ewan ko kung bakit hindi nila natatandaan ang isa't isa siguro dahil na rin siguro sa hindi aila nagkikita eh nakalimutan na nila ang isa't isa. Mas matanda ako sunod si Zac at bunso si Aly. Lagi namin syang inaasar noon na piggy. Ang taba kasi ni Aly noong mga bata pa lang kami. Natatawa ako sa mga mangyayari.

Aly's POV

I don't know where to start. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Like duh? Sya yung may kasalanan. Tss. Bahala sya.

Inalis ko ang flat shoes ko at nilublob ang paa ko sa pool. Naisip ko na ring magsalita. Naiinis na kasi ako. Ayokong makasama ang lalaking ito.

"So anong pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanya sabay irap. Bwisit na lalaki 'to!


"Well, uhm. I just wanna say sorry 'bout sa nangyari kanina sa mall. I really don't mean it. Text kasi ng text si mom. Kinukulit nya ako about sa dinner na 'to. I'm sorry Aly." Napatingin ako sa kanya. Halatang halata mo sa mga mata nya ang sinseridad. I think hindi naman sya ganun kasama para kainisan ko.


"Okay okay. Hi I'm Aly Fuentes. Friends?" Nakangiti kong sabi sa kanya at iniabot ang aking kamay sa kanya.

"Hi gorgeous." Sabay wink sakin. Nakakainis talaga 'tong si Zac.


"Tigilan mo nga ako!" Tumayo na ako at naglakad papalayo.

"Aly! Hey! HAHAHA! May sinabi na naman ba akong hindi mo nagustuhan? Don't tell me na kinikilig ka?" pasigaw na tanong sakin ni Zac. Baliw talaga 'tong lalaking ito.

I've met THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon