Zacarry's Pov
Kakatapos ko lang mag jogging kasama ang mga friends ko. Bumili na rin ako ng food para makapag breakfast. Nandito na ako ngayon sa tapat ng building ng condo ko. Papasok na ako pero parang nakita ko si Aly. Idk kung sya nga yun medyo malayo kasi sya eh. Hindi ko na lang pinansin. Baka nag ha-hallucinate lang ako.
Pumasok na ako sa building at pumunta na sa condo ko. Haaaaay. Sa wakas kakain na rin ako. Pagkatapos kong kumain naligo na ako. May lakad kasi kami nina Andrew, Xander at Kean. Makikilala nyo rin sila later.
(Zacarry Fuentes photo ---------> Gwapo ko diba? HAHAHA.)
Aly's POV
"Anong ginagawa nya dito?!" nasambit ko na lamang sa sarili ko habang pinagmamasadan ang lalaking papasok ng building ng condo ko.
"AISSSSH! DON'T TELL ME NA DITO RIN ANG CONDO NYA??!! HINDI PWEDE 'TO!" dali dali akong nag punta sa unit ko. Nasa 17th floor ang unit ko. Ngunit dahil na rin siguro nung nagsabog ng kamasalan ay nasalo ko lahat....
"Aly/Zac?!" sabay at gulat naming sambit sa isa't isa.
"Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko kay Zac na halatang gulat pa rin.
"Dito ang unit ko eh. 208. Ikaw bakit andito ka?" nakangiting na sagot nya sakin.
"Ahh kaya pala. Dito rin ang unit ko sa 207." magkahalong gulat at ngiti ang naging reaction nya sa sinabi ko. Pero bigla ko ring naisip na parang may mali.
"Teka ano ngang sabi mo?" tanong ko ulit kay Zac.
"Sabi ko dito ang unit ko. 208 and magkapitbahay pala tayo." ngiting ngiting sagot nya sakin.
Natigilan ako sa sinabi nya. Hindi ako makapagsalita. Gusto kong umalis at pumasok na sa unit ko pero para bang naka glue ang mga paa ko.
"Baka mapasukan ng langaw yang bibig mo. I'll go na. See you when I see you." sabi nya sakin sabay wink at umalis na.
*********
OMSS! Nakakawindang na talaga. Pumasok na ako sa unit ko kinuha ang phone at tinawagan ang bestfriend kong si Irene.
"Gosh Irene sumagot ka!" naka 4 rings na bago pa nya sinagot ang phone.
"Irene!"
"Oh Aly? Anong problema?" Sagot nito sakin.
"Oo bessy."
Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Lahat ng details. Ganun naman kasi kami kapag nagk-kwento ng mga nagyayari sa life namin.
"O-m-g! Girl baka sya na yung prinsipeng hinihintay mo.?!" Magkahalong tuwa at excitement ang tono ng pagsasalita nya.
"Haynako Irene. Palibhasa masayang masaya ka jan sa boyfriend mong si Viel e." Sagot ko sa kanya.
"Syempre naman ikaw ba naman ang maging girlfriend ni. Vittorio Miguel Macalintal Gonzales papakawalan mo pa ba? Syempre hindi. Hahahah. Anyways, tara sa mall para naman makapag unwind ka.
"Okay kita na lang tayo sa mall bess. See ya."
Binaba ko na ang phone. Nag shower na ako at nagsuot ng skinny jeans, crop top na may print french fries nag ayos ng konti and violaaa gumora na ako sa mall. Haaaay. I need this. Kailangan kong maglibang. Aisssh, naiinis talaga ako sa lahat naman kasi ng magiging kapitbahay ko bakit sya pa.