Sa loob ng bahay ng mga Fuentes ay masayang nagtatawanan sina Mr. and Mrs. Fuentes pati na rin ang anak nilang si Josh. Paano ba naman kasi palihim nilang sinilip at pinakinggan kung ano ang pinag-uusapan nina Zacarry at Aly sa may pool. Ngunit ng makita nilang tumayo na si Aly ay dali dali silang tumakbo patungo sa living room.
Naiwan si Zac sa may pool at tawang tawa rin sya sa pang-aasar nya kay Aly. Si Aly naman ay pumunta na sa living room upang kausapin ang kanyang Kuya Josh. Sinalubong naman sya ni Josh. Dirediretchong naglakad si aly papuntang kitchen.
“Aly? Bakit ganyan ang pagmumukha mo?” tanong sa kanya ng Kuya Josh nya.
“Paano ba naman okay na sana eh! Pumayag na nga akong sumama sa kanya dun sa may pool para makipag-usap. Akala ko magsosorry lang sya about dun sa nangyari kanina. Nagsorry naman sya kaya lang may pahabol pang pang-aasar.” napasabunot na lang si Aly sa kanyang buhok.
“Ano bang ginawa nya at naiinis ka?” naka ngiting tanong nito kay Aly. Alam naman kasi talaga nya ang nangyari kaso lang ayaw naman nyang malaman ni Aly na nakikinig sila sa pinag-uusapan nila kanina. Patay malisya kumbaga.
At yun na nga kinuwento na nga ni Al yang mga napag-usapan nila. Tila inis na inis pa rin ang dalaga sa mga pang-aasar ni Zac.
“So tell me Aly… kinilig ka nga ba sa mga sinabi sayo ni Zac?”
Biglang natigilan ang dalaga. Hindi naman kasi sya kinilig. Naiinis lang talaga sya. Simula pa lang noong nasa mall pa lamang.
“N-O KUYA! Asa namang kiligin ako sa mga pang-aasar nya sakin.” Sagot ni Aly sa tanong ng kanyang pinsan.
“Okay, Sabi mo eh. Tara na sa living room andun sina mom baka andun na rin si Zac.”
Agad namang sumunod si Aly sa kanyang Kuya.
Nagkwentuhan lang sila saglit at napagpasyahan na ni Aly umuwi. Nagpaalam sya sa tita at tito nya pati na rin sa Kuya Josh nya. Pagkatapos nilang mag-usap ni Zac ay hindi na nya ito pinansin kaya hindi na rin sya nag paalam kay Zac.
Aly’s POV
“Sa wakas nawala na rin sa paningin ko ang Zacarry nay un. Bwisit talaga sya.”
Wala namang traffic kaya nakauwi ako agad ditto sa condo. Nasa 17th floor ang condo ko. Pinarada ko ng ayos ang kotse ko at pumasok ng building gusto ko na talagang magpahinga ngayon.
Andito na ako ngayon sa condo ko. Nagshower muna ako nagpalit ako ng damit at humiga sa kama ko. Sinalpak ang headset sa tenga at nakinig ng music.
"This night is sparkling, don't you let it go
I'm wonder-struck, blushing all the way home
I'll spend forever wondering if you knew
This night is flawless, don't you let it go
I'm wonder-struck, dancing around all alone
I'll spend forever wondering if you knew
I was enchanted to meet you"
Ilang sandali pa ay nakatulog na rin si Aly.
( A/N: sorry sa late at walang kwentang UD. yown! feeling pro ko talaga. anyways, thank you sa mga nagbabasa ng story ko sa mga comments at sa votes :D :*)