Zacarry's POV
"Hindi ko inakalang sya pala yung ipapakilala sakin ni Tita. Well totoo naman yung paghingi ko ng sorry sa kanya pati na rin nung sinabihan ko sya ng "gorgeous" pero bakit kaya sya nagalit sakin? Bakit naiinis pa rin sya sakin? Haaaaaay. Andito na ako ngayon sa condo ko. Umuwi na rin ako ilang minuto pagka-uwi nya. Hindi ko sya maintindihan. Umalis sya pero hindi man lang nya ako pinansin. aissssssh! Bakit ko nga ba sya iniisip." tumungo na ako sa shower room at nagshower muna. Nagbihis. Binusksan ang laptop ko at nakinig ng music.
"This night is sparkling, don't you let it go
I'm wonder-struck, blushing all the way home
I'll spend forever wondering if you knew
This night is flawless, don't you let it go
I'm wonder-struck, dancing around all alone
I'll spend forever wondering if you knew
I was enchanted to meet you"
I'm not gay okay? Naka shuffle ang playlist ng laptop ko. Favorite ko rin si Taylor Swift. Ang ganda nya kasi at ang ganda rin ng boses nya. Ewan ko ba may something sa kanya kaya gustong gusto ko sya. Tapos yung mga kanta nya parang yun yung mga gustong sabihin ng mga babae saming mga lalaki. Hindi ko maalis sya maalis sa isip ko. Sh*t.
"Ano 'to love at first sight? Uso pa ba yun! tsk. Aish! ALY FUENTES ANO BANG MERON SAYO AT HINDI KITA MAALIS SA ISIP KO." nasabunutan ko na lamang ang aking buhok sa kakaisip sa kanya.
Kinabukasan....
Aly's POV
6:00 am ako nagising. Nagshower ako at nagsuot ng leggings at hoodies. Pumunta ako ng park malapit dito sa condo ko at nag jogging. Dumiretcho na rin ako sa gym para mag work out.
TIME CHECK 7:30 am. Pauwi na ako gusto ko na rin maligo at kumain. Sana naman maging maganda ang araw ko ngayon.
Malapit na ako sa building ng condo ko nang may napansin ako.
"Anong ginagawa nya dito?!" nasambit ko na lamang sa sarili ko habang pinagmamasadan ang lalaking papasok ng building ng condo ko.