Aly & soda

47 2 4
                                    

Aly's POV

Ako nga pala si Aly Fuentes. Labing siyam na taong gulang. Isa akong ulila. Si Lola Natty ang tumayong magulang para sakin. Sya din ang nagpuno ng nga kulang sa buhay ko. Napakabait ni Lola Natty. Tinuring nya akong parang tunay nyang anak. Mayaman si Lola Natty kaya lahat ng bagay na gustuhin ko o kahit minsan hindi ko nmn hinihingi sa kanya binibigay nya agad ito sakin. Sobarang pagmamahal at pag aalaga ang binigay sakin ni Lola. Kaya ganoon na lamang kasakit ng mawala sya sa piling ko. Dala na rin ng katandaan kaya ayun nasa heaven na rin sya kasama nina mommy at daddy.

Sa ngayon namumuhay na ako ng mag-isa. Andito ako ngayon sa condo ko. Kakatapos ko lang mag-work out. Summer na eh. Kailangan fit ako kapag nag beach kami ng mga friends ko. Happy go lucky kasi ako. Kaya ito madalas masaktan. Konting sabi mo lang ng sweet words and everything nahuhulog na agad ako. At sa huli ako yung talo.

Pero dati yun. Binago ko na ang sarili ko simula noong masaktan ako ng paulit ulit. Ewan ko ba kung bakit ang hilig ako paglaruan ng tadhana. Isa pa si kupido laging ako lang yung pinapana. Kaya ako lang lagi ang nasasaktan. Sabi nila kaya lang daw ako minamahal dahil sa mayaman kami at kilala ang family namin dahil sa mga business at isa rin kasi akong model.

Hay buhay nga naman. May advantages at dis advantages talaga ang pagiging maganda at mayaman.

Biglang tumunong ang aking cellphone.

"All I knew this morning when I woke. Is I know something now know something now I didn't before." ♫♫

"Yoboseyo?" Hindi ako koreana! hahah. Feel ko lang talaga. Nahawa na kasi ako sa mga korean dramas & movies na napapanuod ko.

"Hey Bunso. How are you? Bakit hindi ka nagpapakita sakin? May sakit ka ba?" Si Josh ang nasa kabilang linya. Sya ang bestfriend/pinsan ko. Anak sya ni Tita Sabrina. Ganyan talaga kami mag usap kasi ako ang bunso sa aming magpipinsan.

"Wala naman akong sakit kuya Josh. Ayaw ko lang talaga lumabas ng condo. Tinatamad ako eh. Wala rin naman kasing pwedeng puntahan. Haha. Bakit namiss mo ba ako kuya?" Sagot ko sa kanya. Kaya naman bigla syang tumawa sa aking mga sinabi.

"Ay nako Aly! Baliw ka talaga. Sabi nga pala ni mom pumunta ka daw dito mamaya. Dito ka na daw mag dinner. May ipapakilala daw sya sayo." sino na naman kaya ang irereto sakin ni tita.

"Sige kuya. Pupunta muna ako ng mall may bibilhin pa kasi ako. See you later!"

"See you!"

Naligo na ako at nag-ayos ng sarili ko. Sa mall lang naman ang punta ko kaya nag suot na lang ako ng loose shirt, ombre shorts at nag tsinelas na lang ako.

Bumaba na ako sa parking lot ng condo ko at pumunta sa aking green civic car. Akala nga nila lalaki ang may ari ng sasakyan na 'to eh. Paano ba naman kasi sobrang maporma. Tinted din kasi kaya hindi mo alam kung babae o lalaki ang driver.

Otw na ako papuntang mall. Buti na lang walang traffic. Pinarada ko na ang sasakyan ko sa tapat ng mall.

Pumasok na ako sa mall. Nagtingin tingin muna sa mga boutique ng mga damit. Namili muna ako ng damit na isusuot ko para mamaya. Ayaw ko namang mapahiya ako.

Pagkatapos ng ilang oras nakahanap na rin ako ng dress na isusuot ko. Casual na mint green dress ang binili ko. Bumili na rin ako ng shoes na babagay sa damit ko. Nag paayos na rin ako sa salon ng friend ko.

"Ang ganda mo talaga miss Aly." Sambit ng stylist kong si Nicky. stylist

"Thank you. Hindi naman ako gaganda ng ganito kung hindi dahil sayo." Sagot ko naman sa kanya. Binigyan ko na rin sya ng tip at nagbayad na rin ako.

Kakalabas ko lang ng salon....

"Sh*t! Miss ano ba? Tingin tingin din sa dinadaanan pag may time!" Isang gwapong lalaki ang nasa harapan ko ngayon. Kung gaano naman ka amo ang kanyang mukha ganun na lamang din kasama ang kanyang ugali.

"What? Ako pa ngayon ang hindi nakatingin sa dinadaanan? Eh samantalang jan ka nakatutok sa cellphone mo!" Ang yabang! Grabe. Nakakainis natapunan pa ako ng soda. Aissssh! At nagwalk out na lang ako. Kesa naman makipagtalo sa lalaking yun.

Umuwi na lang ako at naligo ulit. Naghanap na lang ako ng casual dress sa closet ko. 5:30 pm na. Baka matraffic ako papunta kina Kuya Josh kaya umalis na din ako. Hindi na ako masyadong nag-ayos. Mas simple mas maganda.

I've met THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon