Zacarry Fontanilla's POV
Ako nga pala si Zacarry Fontanilla. Zac for short. 19. Gwapo, mayaman, chik magnet pero ayoko sa kanila. Hindi sa ayoko sa babae. Mas lalong hindi ako bakla. Hindi lang kasi ako yung tipo ng lalaki na kailangan lagi ng babae. Gusto ko yung pangmatagalan.
Andito ako sa mall ngayon. Naglilibang mamaya kasi may dinner pa akong pupuntahan. Ayoko naman talagang pumunta dun. Si mommy lang ang mapilit. Bestfriend nya kasi si Tita Sab at ayaw naman daw nyang mapahiya sya. May ipapakilala daw kasi sila sakin. Baka sakaling magiging matino ako. Medyo may pagkabadboy kasi ako. Hindi yung literal na nakikipagbasag ulo kung saan saan. Pasaway lang talaga ako. Ayoko kasi ng pinapangunahan nila ako sa mga gusto kong gawin. Wala akong girlfriend. Sabihin na nating nadala na ako simula noong... Wag na lang nating pag-usapan.
Naglalakad ako sa loob ng mall at katext ko mommy tinatanong nya kasi ako if papunta na daw ba ako kina tita Sab. Kaso lang may nakabangga akong babae. Napakaganda nya! Kakalabas nya lang ng salon. Siguro may pupuntahan sya. Simple lang yung ayos nya pero mala anghel ang mukha nya.
"Sh*t! Miss ano ba? Tingin tingin din sa dinadaanan pag may time!" Gusto ko lang magpapansin kaya ko sinabi yan sa kanya. Hahahah. Papampam lang. Panpansin ganun.
"What?! Ako pa ngayon ang hindi nakatingin sa dinadaanan? Eh samantalang jan ka nakatutok sa cellphone mo!" Inis na sagot nya sakin at umalis na.
Gusto ko sanang magsorry kaso lang ang bilis nyang maglakad. Bahala na. Sana lang makita ko ulit sya. Sana makilala ko sya.
Dahil sa paglilibang ko hindi ko na namalayan ang oras. Malalate na ako sa pupuntahan ko. Lagot na naman ako nito kay Mom.
Pumunta na ako ng parking lot at mabilis na pinaandar ang kotse ko.
"Hoooo! traffic pa! aisssh!
Kinuha ko ang phone ko at nagtext kay Tita Sab. Sinabi kong malalate ko kasi sobrang traffic.
Sa wakas nakarating na rin ako sa bahay nina Tita Sab. Pinarada ko ang car ko at bumaba na. May lumapit sa aking kasambahay.
"Goodevening po Sir Zac. Pasok po kayo. Tatawagin ko lang po si Mam." Nakangiting bati nito sakin.
"Sige. Thank you"
Nakatayo ako dito sa may living room at hinihintay si Tita. Ilang saglit pa'y dumating na ito.
"Zac iho. Kamusta? Tara na sa dining area nandoon na sila tito mo."
"I'm sorry tita Sab. Ang traffic po kasi talaga."
"Okay lang yun. Tara na para makakain ka na rin."
Nagpunta na kami sa dining area. Laking gulat ko ng makita ko ang babaeng nasa mall kanina.
"IKAW?!" sabay pa naming nasabi yan sa isa't isa! Nagulat ako pero masaya rin ako kasi nakita ko ulit sya.
Destiny siguro talaga na magkita ulit kami. And maybe she's the one.