CHAPTER 7

128 9 0
                                    

TAHIMIK na nanunuod si Alhanis kasama ang mga kaibigang sina Cielo at Viviene sa condo ng mga ito. She will be staying here until the second semester starts. She actually just woke up from a short nap. Hindi kasi siya mapakali dahil ilang oras na simula nang hindi siya makatanggap ng text mula kay Shawn.


Hinatid pa siya ng binata papunta rito bago ito nagtungo pabalik sa campus. Masaya naman siya kanina dahil nga sa magkasama sila nang halos buong araw. Ang hindi niya maintindihan ngayon ay kung bakit kinakabahan siya.


Tumayo siya para magtungo sa kusina at mabilis na kumuha at uminom ng isang basong tubig. Sa sobrang bigat nang nararamdaman niya ay parang sumisikip ang dibdib niya. Alhanis thought that maybe if she drinks water she will calm down. But she’s actually wrong.


“What’s wrong?” Viviene walks towards her. Napansin yata nito ang pagkaaligaga niya. “Are you okay?”


Tumango naman siya atsaka nagsalin muli ng tubig sa baso niya. She tried to drink at least four glasses of water but it isn’t helping. Sinubukan niyang kumuha ng fresh milk at dinala iyon pabalik sa living room kung saan tahimik ding nakatingin si Cielo sa kaniya.


“Okay ka lang?” Cielo asked. “Bakit parang namumutla ka?”


“Kinakabahan lang. Hin—”


She wasn’t able to finish her sentence when she heard her phone rang. Sa pag-aakalang si Shawn ang tumatawag ay mabilis niyang inabot ang telepono niya. Dismayado niyang sinagot ang tawag nang makitang si Marina ang caller.


“H-hello?”


“Alhanis? Busy ka ba? Nasaan ka?” Halatang hindi mapakali si Marina sa kabilang linya. “Si Carrel kasi eh. Pinipilit na magpahatid kay Shawn sa condo niya. Mukhang may binabalak na masama.”


“H-ha?” Naguguluhan siya. Ano naman kaya ang masamang binabalak ni Carrel? “Ano? Magkasama ba sila?”

“A-ano kasi…” Batid niyang nahihirapan si Marina na magsabi sa kaniya. “Kanina pa kasi buntot nang buntot kay Shawn. Kahit na ayaw naman ni Shawn, sunod pa rin nang sunod si Carrel. Walang magawa si Shawn kasi kani—”

“Papunta na ako riyan.”

Kaagad niyang binaba ang tawag at hinarap ang mga kaibigan niyang titig na titig sa kaniya. Naguguluhan ang mga ito sa nangyayari.

“Saan ka pupunta?” Viviene crossed her arms. “It’s almost 12 midnight, Alhanis.”

“Si Carrel kasi eh…” Alam niyang hindi pa rin siya papayagan ni Viv pero susubukan niya. “Nagpapahatid kay Shawn pauwi sa condo niya.”

Hindi niya alam kung bakit pero mas lalong bumigat ang nararamdaman niya. Kung hindi lang siya magaling magtago ng emosyon ay kanina pa siguro siya naiyak. She’s trying so hard to hold back her tears.

Nagulat na lang siya nang tumayo si Viviene at hinila siya patayo. “Fix yourself. Pupuntahan natin sila.” Tinignan din nito si Cielo. “Magbihis ka rin. Sasama tayo.”

Hindi man sumagot ay tumayo rin si Cielo at nagkaniya-kaniya silang punta sa mga kuwarto nila. Mabilis lang siyang nagbihis at nang matapos ay halos sabay lang silang lumabas ni Viviene. Samantalang naghihintay na si Cielo sa pintuan ng condo ng mga ito.

Nang makarating sa basement ay nagpresinta si Cielo na magdrive. Mas mabilis daw kasi itong magmaneho hindi kagaya ni Viviene na maingat sa pagpapatakbo. Habang papunta sila ay sinabi niya sa mga ito ang nabanggit ni Marina.

Impossible Chase (Love Game Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon