CHAPTER 6

124 8 2
                                    

SHAWN can’t help but to be happy as he was about to blow his candle. Natatawa pa siya dahil sa pa-countdown ng mga kaibigan niya. Nangingibabaw ang tinig ni Zeke na wala pa man ay kumakanta na.

Carrel is holding a red velvet cake. Hindi niya tuloy maiwasan na maalala ang ina niya. Her mom used to bake him a red velvet cake for his birthday.

“Blow your candle, Shawn.” Pagpukaw ni Carrel sa atensyon niya. “Dali na. Make a wish.”

Actually, what he has right now is so much more. What could he even wish for? Suwerte naman siya sa mga kaibigan, sa mga kapatid, sa lolo at lola niya, kahit papaano ay hindi naman siya itinatakwil ng ama niya at masaya naman siya na nakakasama at nakakausap si Alhanis.

He didn’t have an exact birthday wish. Sana ay manatiling masaya ang puso niya. Iyon na lang dahil kuntento naman siya sa kung ano ang mayroon siya.

“Anong hiniling mo, kuya?” Eirah asked after he blew his candle. “Na sagutin ka na ni Alhanis?”

Hindi siya makapaniwalang umiling sa kawalan nang preno ng bibig ng kapatid niya. Narinig niyang tumawa ang mga kaibigan niya sa sinabi nito.

“Oo, bakit?” Pakikisabay niya sa biruan. “Aangal ka ba?”

“Ako? Aangal? Kay Alhanis?” Eirah chuckled. “Magrereklamo pa ba ako sa isang Alhanis Clementine Mendez? Magpapaparty pa ako noh!”

Nakaani na naman nang halakhakan ang biro ng kapatid niya. Maging siya ay hindi mapigilan ang ngiting kumawala sa mga labi niya. Sayang lang talaga at wala si Alhanis ngayon. Sa susunod na araw siguro ay yayayain niya ang dalagang lumabas. Wala pa namang ginagawa sapagkat intamurals nga.

“Speaking of Alhanis…” Zach trailed off. Lumapit ito sa kanila at nasa tabi lang nito sina Viviene at Cielo. “I don’t want to spoil her surprise, pero kasi hindi siya sumasagot ng tawag.”

“Surprise?” Shawn asked, very confused. “Anong surprise?”

“Ano kasi, ahm. Kasi…” Cielo can’t even form a sentence. “Ano ba? Paano ko ba ieexplain?”

“Kasama namin siya kanina, Shawn.” Si Viviene na ang nagsalita dahil nahihirapan si Cielo na sabihin kung ano. “She was with us. Bago kami umakyat dito sabi niya susunod siya. Tinatawagan na namin pero hindi sumasagot.”

“Baka naman inindiyan na naman niya si Shawn.” It was Carrel. “Maybe she really doesn’t want to be here.”

“What?” Naguguluhan niyang tanong. “You mean she was supposed to be here?”

“Yeah.” Zach answered. “She even helped us with decorating this venue. That’s why hindi ko alam kung bakit hindi siya sumasagot sa tawag.”

“Huwag na nating hanapin ang wala. If she doesn’t want to be here, let’s not ruin Shawn’s—”

“Ruin what? Shawn’s birthday?” Humakbang papalapit si Viviene kay Carrel. “Bakit niya sisirain ang isang event na kung saan tumulong siyang ayusin? She even rushed someone to decorate the whole place. Ano bang gusto mong palabasin?”

“Ang sinasabi ko lang, baka hindi naman pala talaga—"

“Wait.” Cielo sounds mad. “Ikaw ang huling nakausap niya kanina.” Cielo stepped forward and a little closer to Carrel. “Anong sinabi mo sa kaibigan namin?!”

Pumagitna na si Shawn bago pa magsimula ang away. Hindi niya alam kung ano ang uunahin niya. Inilayo muna ni Marina si Carrel mula sa dalawa dahilan para kumalma ang mga ito.

Impossible Chase (Love Game Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon