“Anong oras daw ang dating nila Gian?”
Napatigil si Shawn sa ginagawa niya para salubungin nang tingin ang kaibigang kanina pa nag-aalburuto. Anong oras na kasi pero hindi pa dumarating ang iba pa nilang mga kasama. Hindi rin nga niya maintindihan kung bakit dito sa ice cream house sila magkikita.
Sa dinami-rami ng lugar na puwedeng puntahan, dito pa talaga naisipin ng mga mokong niyang kaibigan. Akala niya kasi ay sa isang café o hindi kaya ay sa condo ng isa sa kanila ang pupuntahan nila.
Kung alam niya lang sana, he could’ve offered his place. Siya na rin namang ganito lang din ang set up nila.
He cancelled his date for today just to make sure he will be here for his friends but it seems like, late is an understatement.
“Hindi ko alam.” Paliing-iling na sabi niya. “Tawagan mo na. Naiinip na rin ako.”
Isinara niya ang sketch pad niya at isinilid sa bag. Ginawa naman ni Drei ang sinabi niya kaya lumabas muna ito para makipag-usap kay Gian sa telepono.
Shawn’s eyes were roaming around the ice cream house until it settled on a girl crying just tables away from him. Hindi ang babaeng umiiyak ang nakakuha ng atensyon niya kung hindi ang kasama nito. She has a long black hair, blue eyes, porcelain skin and pointed nose.
“One double dutch for Miss Clementine.”
Umayos ng upo si Shawn at tahimik na pinagmamasdan ang bawat galaw ng dalaga. Tumayo ito dahil mukhang order nito ang binanggit.
Clementine? What a nice name.
Inabot ng dalaga ang ice cream na inorder nito at hindi maintindihan ni Shawn ang bilis nang tibok ng puso niya nang ngumiti ito nang pagkatamis-tamis. She smiled with her eyes and it was like heaven sent an angel to brighten up his life.
Ang ngiting iyon ang isa sa pinakamagandang ngiting nakita niya. Not just because that girl has a pretty face but more like the happiness reflects in her eyes.
A simple ice cream can really make someone that happy? Iyon ang tanong niya sa isip niya.
Shawn bit his lower lip when the same girl started walking her way back to their table. Hindi niya napansing ni isang segundo simula nang titigan niya ang dalaga ay hindi na nawala ang paningin niya rito.
Nagulat na lang siya nang may pumitik sa noo niya.
“Kanina ka pa tulala.” Gian who’s finally with them said. Sinipat nito kung sino ang tinitignan niya. “Don’t tell me you’re into that blue eyed girl?”
“Blue eyed?” Kunot-noong tanong ni Drei na tinignan na rin ang babae. “Oh! Hindi mo type ang isang ‘yan.”
Shawn shifted his gaze from the girl to Drei, “You know her?”
Tumango ito, “Everyone knows Alhanis Clementine Mendez. Business Management.”
Did he heard it right? That girl is a Mendez? No way.
“The first-born Mendez?”
“The first-born Mendez.” Gian smirked. “You like her? She’s pretty smart and as you can see, maganda rin siya. Not your type though. Mahihirapan ka sa isang ‘yan.” Tinaasan siya ng kilay ng kaibigan. “Plus, you like playing games, right? Hindi para sa mga laro ang isang Mendez, Shawn.”
BINABASA MO ANG
Impossible Chase (Love Game Series 2)
Romance"I can't keep chasing you forever. That's absurd. It's either you want me to stay or you let me go. Hindi habang buhay ipagsisiksikan ko ang sarili ko sa'yo habang ipinagtatabuyan mo lang ako... Kailan mo ba kasi ako hahayaang manatili?"