CHAPTER 10

127 5 0
                                    

ALHANIS was busy flipping every page of Shawn’s sketchbook as she waits for her dinner to be ready. Hindi niya inaasahang ipasusundo siya ng ama sa Tarlac. Buong akala niya ay makakasama niya ito ngayon sa pagsalubong ng bagong taon ngunit mukhang nagkamali siya.

She’s all alone again. If only she could’ve stayed with Shawn and his family, she wouldn’t be alone waiting for New Year’s Eve.

Shawn couldn’t complain when her father informed them that she has to be home for New Year’s celebration. Iyon ang idinahilan nito na itinawag din ng ama ng kasintahan.

It was even okay at first because after a very long time, she can finally be celebrating with her father. But, imagine her disappointment when she got home and her dad is nowhere to be found.

Pagkauwi kasi niya ay wala naman siyang nadatnang tao maliban sa mga kasambahay nila.

Alam niyang wala naman siyang karapatang mainis pero hindi maganda ang kutob niya sa inasal ng ama niya. He must be up to something. Sana nga lang ay walang kinalaman iyon kay Shawn.

Natigil ang pag-iisip niya nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto niya. She carefully closed the sketchbook and placed it inside her drawer.

She stood up to open the door of her room thinking it was one of the mansion’s servants. Baka kasi tatawagin na siya para kumain ng hapunan. Laking gulat niya nang bumungad si Cielo na may dala-dalang malaking paper bag.

“Cielo!” Clem’s face lit up with impish glee as she tightly hugs Cielo. “Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba sa makalawa pa ang uwi mo?”

“Kanina lang kami nakauwi.” Kumawala ito mula sa yakap niya. “May pasalubong ako sa’yo.”

“Halata nga.” Tinuro niya ang paper bag na hawak ng kaibigan. Louis Vuitton. “A bag?”

“Yes!” Iniabot ni Cielo ang pasalubong daw nito sa kaniya. “Pero hindi lang iyan ang pasalubong ko.”

She frowned at what Cielo said. Wala naman itong iba pang hawak o dala. Ano naman kaya ang isa pang pasalubong nito?

“Bumaba muna tayo.” Iginiya siya nito pababa ng hagdan. “Para makita mo kung ano ang sinasabi ko.”

Naiiling-iling lang siyang nagpatianod sa kaibigan pababa ng mansyon. When they were able to get down, her eyes settled on a familiar face smiling at her. A girl with grey-eyes, long brown hair and dimples on both of her cheeks. It has been a long time since she last saw her.

“Calli…”

“Happy New Year, Clem.” Calli, Cielo’s twin sister greeted her with teary eyes. “I’ve missed you.”

“Oh God!” Patakbo siyang lumapit dito atsaka niyakap nang pagkahigpit-higpit ang kaibigan. “Calli it’s really you! You’re back!”

Hindi niya mapigilan ang maiyak. Simula kasi nang umalis ang kaibigan para magpagamot sa ibang bansa ay ngayon pa lang ito muling bumalik. She can also hear Calli’s sobs, mas lalo tuloy siyang naging emosyonal. Nakisali na rin si Cielo sa yakapan nila.

“Ano ba naman ‘yan!” Natatawang komento ni Cielo nang tinanggal nito ang pagkakayakap sa kanila. “Bakit ba kayo umiiyak?! Dapat masaya tayo kasi dito na ulit mag-aaral si Calli!”

“Talaga?!” Tanong niya sa kaibigan habang niyuyugyog ang balikat nito. “Hindi nga?! For real?!”

“Yes. I asked mom and dad for it. They weren’t actually in favor at first but Cielo helped me out to convince them.”

Impossible Chase (Love Game Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon