Rage
While Agent L is busy finding the person that we are looking for, pinipilit naman ako ni Kai na gumala. True to his words, siya ang gumawa ng itinerary namin. We visited Negros Museum and we also ate at their cafe. Next, we went to the Ruins in Bacolod, and visited a beautiful Lake Ranch after that.
Aliw na aliw si Kai habang nakasakay kami sa kabayo. I was riding in a beautiful white horse while my dear friend is in a black one. He spent all of his tickets riding the horse and now he's asking for my remaining ticket.
"Vi, can I have your last ticket? I still wanna ride that horse." Kai pointed at the tired looking horse na ilang minuto niya nang sinasakyan.
"Tignan mo, oh! Pagod na ang kabayo ng dahil sayo. Ilang minuto mo nang sinasakyan. Maawa ka naman."
"Pero.." he sighed. "I'm sorry, Mavi. Alam kong pagod ka na." aniya sabay hagod sa kabayo. Huh?
Kumunot ang noo ko."Anong Mavi? Pinangalanan mo ang kabayo?" Kai smirked at me.
"Yep. Kapangalan mo." He laughed at ako naman ang kumunot ang nuo. Tss.
Ngumisi ako. "Okay lang." I said confidently. He eyed me suspiciously.
"What do you mean na okay lang?" sabi ko sa kanya habang di ko tinatanggal ang ngisi sa labi ko.
"Kuya!" tawag ko sa tao na nag-aalaga ng mga kabayo at siya din yung binigyan namin ng tickets kanina. Bumaling naman siya sa amin at nagsimulang maglakad papalapit. "Yes po, Ma'am?"
"Ano nga po ulit yung pangalan nung puting kabayo na sinakyan ko kanina?"
"Ahh Kai-bayo po, Ma'am." inosenteng sabi ng lalaki at tumawa naman ako ng malakas. Kai pouted. "I hate you, Vi." di pa rin ako tumigil sa kakatawa.
"I know you don't mean that." I chuckled.
"Kuya, bakit po Kai-bayo? Ang witty nung nag-isip ng name." dagdag kong sabi.