Three times
Andito kami ngayon sa restaurant na pinareserve ni Kai. Since Pierre refuses to be left behind ay sumama na rin siya sa amin, and we ended up getting a rectangular table with 4 chairs because initially dalawa lang kamin dapat ni Kai--pero sumama 'tong isa.
So yung position namin ay ako-- katabi ko ang bag ko while across me is Pierre, na katabi si Kai. Pinag-agawan pa nila kanina ang upuan sa katabi ko kaya para wala ng gulo, nilagay ko dun yung bag ko. Kai already ordered bago kami pumunta dito at dinagdagan lang iyon ni Pierre.
Nang makita ni Kai na mas madami ang inorder ni Pierre ay dinagdagan niya rin order niya. Hindi naman nagpatalo si Pierre at nag-order pa ulit. Tsk. Hinablot ko sa kanila ang menu book. Baka orderin pa nila ang bawat dish sa menu ng restaurant na 'to.
Napuno ang table namin ng inorder nila at kulang pa nga ang isang lamesa para sa lahat na inorder nila. Ano ba kasi ang problema ng mga mokong 'to? Gutom na gutom ba sila?
I looked at the young bachelors infront of me and it looks like they were having an eye contest. I rolled my eyes at them and started eating. Napansin nilang nagsimula na akong kumain kaya kinuha na rin nila ang mga kobyertos nila. Akala ko kakain sila, pero......
"Girlfriend! Eat this, this is good!" Si Kai .
"Here Vi, masarap to." lagay ni Pierre ng pagkain sa plato ko.
"Mas Masarap 'to, girlfriend ko." Sabi ni Kai habang nakangiti.
Pierre scoffed, "This Chicken Cordon Bleu is even better." bigay ni pierre sa akin.
They kept on putting different types of dishes on my plate hanggang sa nagmukha itong bundok sa plato ko. Pucha. I put down my spoon and fork and faced them.
"You know what? Hindi na ako makakain ng maayos ng dahil sa inyo. Kayo ang nag-order ng ganitong karami tapos ako lang naman pala ang kakain ng lahat ng 'to?" Umiling ako. " I want to leave. Sa bahay nalang ako kakain." ani ko.
"Okay. We'll take this out then." Sabi ni Kai at pinatake-out lahat ng inorder sa waiter.
"Waiter, the bill please." Sabi ni Pierre.
Bumaling sa kanya si Kai at binigyan siya ng masamang tingin. "I can afford, you know. I'll pay the bill." ani Kai.