Chapter 11.

26 0 0
                                    

Sorry Guise kung Super Late ako mag-update. =)) :( 

Busy sa school ea . ^__________^ Anw. tuloy ko pdin ung Story. 

Pabasa pa rin po and Paki VOTE COMMENT & BE A FAN :*

------------------------------------------------------------------------------------------------

Ilang linggo na ang lumipas. Magaling na ang kamay ni Grant at pangalawang araw na siya nitong tinuturuan magpiano.

Ibang-iba ang sinabi nitong strikto ito pagdating sa pagtuturo, dahil hindi naman ito naging strikto sa kanya. Napakamaunawain nito sa kanya.

Hindi naman kasi siya pumupunta sa lesson nang walang-alam.

Kapag may time siya ay nagre-research siya sa internet kung anu-ano ang mga nota sa piano.

Kung paano ang paglalagay ng kamay at kung anu-ano pa, para lang hindi siya masyadong mapahiya.

"Do you know the basic of playing piano. Ang kailangan mo na lang matutunan ay kung paano babasahin ang score sheet."

Natawa ito. Mukhang may naalala ito.

"You see, when I first came to the Music school, wala talaga akong kaalam-alam sa music. Even the basics. Grabe ang asar sa akin ni titser ko nun ehh."

"Ano yon, gusto mo lang matutunan ang pag-piano dati?"

"Kind of. When I was young, I've got a huge crush on a girl but I made that girl cried because I teased her. Ang I knew it's below the belt. So I asked everybody what she likes and they told me that playing piano was her dream. Ayun. Nagsimula akong mag-aral and I am loving it."

"So, natugtugan mo ba naman yung crush mo? Napatawad ka ba naman niya?" So hindi lang pala ako ang napaiyak ng mokong na ito. Isa siyang sumpa sa mga mata at luha ng mga kababaihan.

"We didn't really saw each other until recently. I wanted to play a piano piece once we get closer to each other."

"Aren't you the romantic type?"

"Siguro. Hindi ko alam eh. Romantic na ba ang mga lalakeng nagdededicate ng song sa isang babae?"

"Hindi lang naman kasi simpleng dedication ng music ang ginawa mo eh. You even learned how to play the piano and different kinds of instrument. Kung ako yung girl na yon, I would willingly fall inlove with you and your dedication. Pero hindi naman para sa akin yun eh."

"Right. So let's go back to our lesson." -sabi nito at binuklat na ang music sheet na nakapatong sa piano.

"Let me show you how to play 'My Immortal'." -sabi niya dito.

Nagsimula na itong tumugtog. Dahan-dahan at swabeng-swabe nitong tinugtog ang 'My Immortal'. Dahil na rin siguro sa favorite song niya ito ay sinabayan niya ito pero gamit ang boses niya.

Walang singer sa pamilya niya pero lahat sila ay may boses at marunong kumanta.

Napatingin tuloy sa kanya si Grant dahil sa pagkabigla pero saglit lang na rumehistro ang pagkabigla sa mukha nito at pinagpatuloy pa rin ang pagtugtog.

Kumakanta rin ito sa part na may medyo mataas para suportahan siya nito. Hindi nagtagal at natapos ang tinutugtog nito. Napapalakpak ito sakanya.

"I didn't know that you have a beautiful voice." -Grant

"Kinahiligan ko na rin kasi ang kumanta. Nung nasa pinas pa sina Mama at Papa ay lagi kaming nagvi-videoke eh. Kumakanta ako, pero minsan lang." -nkangiting sabi ni Vanilla ^o^

"You should train your voice more. I love your voice. It's just too soft and very angelic. It suits you." -Grant

"Thank you ha. Nakakatawa nga eh. Marami talaga akong pangarap nung bata pa ako, pero halos lahat yun ay hindi ko naabot. I want to become a doctor, naging nurse ako. When I wanted to play the piano ay ikinanto ko nalang ito."

"Marami pa namang oras eh. Hindi mawawala iyon. Look, tinuturuan na kitang mag-piano diba? Now, try mo nga." -sabi nito at nilagay ang kamay niya sa piano.

----------------------------------------------------------------------------------------------------

End of Chapter 11 .

[a/n: Keep reading Guys! :))))))]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Knew you From the StartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon