Chapter 1.

90 2 0
                                    

"Calling Nurse Regalado in Doktor's Cabin...." Paulit-ulit na umaalingaw-ngaw ito sa hallway ng hospital na pinapasukan ni Vashti Nillaeh Regalado. 

Hindi niya nga alam kung may nagawa siyang masama sa isa sa mga pasyente kaya siya pinapatawag sa cabin ng mga doktor.

Lakad-takbo siyang pumunta doon. Nakatitig siya sa labas ng pintuan at kinakabahang inilapit ang kamay para kumatok, pero biglang bumukas kaagad ito kahit na hindi pa niya ito kinakatok.

"O Nurse Regalado, andito ka na pala. Hinahanap ka kasi ni Doktora Cassanova eh." -nakangiting bungad sa kanya ng isa sa mga kwelang Doktora sa hospital. Si Doktora L.A. Rivera..

"Doktora Olive. Andito na si Nurse Regalado."

"O andyan ka na pala, Nurse Regalado, pasok.." Sabi ni Doktora Olive or mas kilala bilang Doktora Cassanova.

"O siya aalis na ako, Nurse Regalado. Goodluck." - pananakot pa ni Doktora L.A. sa kanya at nakangising lumakad paalis sa harapan ng pintuan.

Nag-inhale at exhale muna siya bago pumasok sa loob.

Nakita niyang hawak nito ang resume niya at mukhang pinapasadahan iyon at inaaral nang mabuti.

Nagtatrabaho na siya sa hospital na ito for almost five years, simula nung naka-graduate siya sa kolehiyo. Ang hospital mismo ang nag-request na kunin siya. Hindi naman sa pagmamalaki ay naka-graduate siya sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila with flying colors at Suma Cum Laude din sa Nursing Department. 

Dream job niya talaga ang makapunta sa hospital na ito dahil na rin sa mga naririnig niya mula sa mga mag-aaral at kaklase niya sa paaralan.

"So, ikaw pala ang pinaka-top sa buong departmento ninyo nung nag-aaral kapa at very outstanding din ang mga comment ng mga guro at mga hospital na pinag-OJT-han mo."

"Bakit po, Doktora?"

"Wala lang naman. I am looking for someone who's very dedicated sa trabaho at maaasahan. Ikaw ang inirekomenda ni Doktora Rivera sa akin. I need someone who will take care of my father-in-law. He has emphysema and he's critical now.

Matigas nga lang ang ulo at ayaw magpa-ospital. Ayaw daw ni Dad na ilagi ang natitirang buhay niya sa hospital. So, me and my son decided to get a personal nurse for him. I asked for everybody's advice. Halos lahat ay ikaw ang itinuro." -nkangiting sabi nito :)

"Ho?" Speechless siya sa mahabang tinuran ng Doktora.

"Well, I'll just get straight to the point." Medyo natatawa ito sa naging reaksyon niya.

"I want to hire you as a personal nurse for my Father-in-law. You've been an excellent nurse for almost five years. Sana pagbigyan mo ako sa request ko. Don't worry about the money. I will double the salary that you're getting now. Hindi kita minamadali. You can think about it."

"Maraming salamat po sa pagbibigay ng opportunity sa akin per--.."

"Again, di kita minamadali hija.. Try to think about it. Wag mo muna akong bigyan ng sagot ngayon. I know that you love your job here, but I am offering you big. Alam ko rin kasing medyo kailangan mo ng pera para sa pamilya mo. Once you've decided, give me a call." 

sabi pa nito at kumuha ito ng papel at isinulat ang phone number nito. Napatungo na lang siya at lumabas na ng kwarto.

She really loved her job so much at ine-enjoy niya rin ito. Masarap kasi sa pakiramdam na nakakatulong siya sa mga tao hanggang sa makakaya niya, but at the same time ay kailangan niya nga ng pera. Nasa ibang bansa ang magulang niya for almost eight years at pati nga ang nakababata niyang kapatid na babae at lalake ay nasa ibang bansa rin just to earn money para sa kanilang pamilya.

Mahirap kasi ang pamilya nila kaya napilitang kunin ng magulang niya ang mga kapatid para tumulong sa gastusin at bayarin. Original plan ng pamilya niya na siya ang pumunta sa ibang bansa, pero dahil na rin sa pangarap niya talagang makapagtapos ng pag-aaral ay hinayaan na lang ng ama niya na wag siyang pumunta at kinuha ng mga ito ang  mga nakababatang kapatid.

"Ahhhhhh! Bahala na si Batman! Isama pa niya si Robin... -.-"

"Sira ka talaga, 'te!" Nakakabingi na sermon sa kanya ng kapatid niyang si Veronica. Naka-video call sila ng kapatid niya. Kakagaling lang niya sa work at madaling araw na iyon. Ganitong oras kasi sila nakakapag-usap nang masinsinan ng kapatid na babae.

"Napakalaki pala ng ibibigay sa iyo ni Doktora e. Grab it na! Now na!"

"Pero----.."

"Walang pero-pero. Go na! Sinabi na rin ng Doktora na critical na ang father-in-law niya. Saglit na lang ang ilalagi. Malay mo saglit ka lang din magtatrabaho doon at babalik ka ulit sa hospital."

"Grabe ka ha. Pinapanalangin mo na kaagad na mamatay yung matanda."

"Don't put words on my mouth, dear sister. Kung ako sayo, I will grab it. Magandang working experience din yan at mas mabilis lang makakaipon. I really wanna go back so badly. Mas trip ko kayang mag-aral dyan kaysa dito. Nosebleed ako dito e."

Ito na kasi ang nagpaaral sakanya, while ang parents naman niya ang nagbabayad ng utang nila. Nabaon din kasi sila sa utang kaya hirap na hirap silang makaipon. Isama pa ang pagtulong sa mga kamag-anak nila na nanghihingi rin ng pera.

Akala siguro ng mga ito na porke nagtatrabaho sa ibang bansa ang mga parents at kapatid niya ay marami na silang pera..

"Pasensya kana ha."

"Ano na namang drama itech?"

"E kasi natigil kapa sa pag-aaral at nagtrabaho nang mas maaga para na rin sa atin. Dapat ako ang nasa katayuan mo ehh.."

"Ngek! Wag ka nga! Kung andito ka, eh di hindi ka na kilalang nurse at pinag-aagawan ng hospital. Kaloka ka. Tska, okay lang ako dito. Marami namang fafable here and there. They are my only existence!" - Exaggerated na sabi ng lokaret niyang kapatid na babae.

"Sira ka talaga. Mamaya niyan malaman kong may asawa kana eh."

"Ay, marami na. Si ano, si ano, si ano, at si ano."

"Eh alam ba naman ng mga ano mo na ano mo sila?"

"Wait! Kailangan ba nilang malaman?" -Painosenta pa kunwari itong tumingin sa kanya. Natawa siya ng malakas. 

Kapag ito talaga ang kausap niya ay walang sad moments. Sa kanilang dalawa, ito pa nga lagi ang nagpapayo at natulong sakanya. She was spoiled by her youngest sister.

"O siya, matulog kana. Ang beauty baka mapanis at baka mas lalong di ka na magka-boyfriend niyan. Basta 'te, pag-isipan mong mabuti. Nasa iyo ang desisyon. It's either a yes or a yes.."

"May option ba ako?"

"Wala. Kunin mo na. Sira ka talaga. O siya alis na ako, may pasok pa ang beauty ko eh. Naghihintay na rin ang mga asawa ko sa trabaho."

"I love you, Sis. Miss ko na kayo. Pakisabi kila Mama at Papa na alagaan ang sarili ha? *U* Wag masyadong kumain si Papa ng kanin at dapat walang fatty foods, highblood yun. Si Mama naman dapat pinagsasabihan din si Papa eh. Ang tigas talaga ng ulo nila."

"Sinabi mo pa. Kanino kaya nagmana? Napakaganda at napakabait naman nating dalawa? O siya, Nurse Regalado. Sheshembot nako paalis. I really need to go. Ingat kayo dyan ni kuya ha. Loveyou both!" 

Pagkasabi nito ay ini-end na nito ang video call at nag sign out na. 

I Knew you From the StartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon