Chapter 5.

42 1 0
                                    

Matapos ayusin ang mga gamot at gamit ng lolo ni Grant ay nagpasya na silang umalis.

Hindi naman ito nagtatanong kung saan ba gustong pumunta ng lolo nito, basta nag-drive na lang ito. Tahimik silang nagbibiyahe nang biglang magsalita ito.

"So, Vanilla, ilang taon ka nang nagtatrabaho sa hospital kung saan nagtatrabaho si L.A. at si Mama?"

"Hmmm... Almost five years na rin siguro."

"Buti at hindi ka nababaliw sa kakatrabaho sa baliw na babaeng iyon?"

"Si Doktora L.A. ba?" She's an outstanding doctor at kahit na playful si Doktora ay magaling siya."

"Alam naman namin yun, we just wanted to annoy her. So bakit ang pagiging nurse ang nagustuhan mo?"

Ano ito interview portion? Nagtataka man ay napag-desisyunan nalang niyang sagutin ang mga tanong nito.

"Nung bata ako, gustung-gusto ko talaga ang pagiging Doktor. Hindi talaga pagiging nurse ang love ko, pero dahil na rin sa marami kaming pinapaaral ni Papa ay hindi namin nakaya ang tuition ng pagdodoctor. Ang mahal kasi eh. So I went and shift to Nursing dahil pwede naman akong mag-doctor once na makapag-ipon ako."

"Buti nalang at di ka naging Doktora. Napapalibutan na kasi ako ng mga Doktora. Not that I don't want you to pursue your dreams ha? Kaya lang nagsasawa na ako sa mga Doktora. Nakaka-nosebleed kausap." -nakakalokong sabi nito na napangiti rin siya.

Nagiging mas maganda na ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa. It's all thanks to the guy.

"Paano mo naman nasabi?"

"You see, wala pa kaming nurse noon at laging may pasok si Mama, so she wanted me to take care of Lolo. Not that I don't mind ha? But everytime she was saying something, I still need to go online and research for the words. Naka-tanga sa utak." 

Hindi niya tuloy napigilang matawa. There are difficult terms nga ng mga gamot. Siguro ay ipinaliwanag din ng Ginang sa anak ang karamdaman ng Lolo nito.

"Well, masaya ako at nakatulong para sa pagtigil ng nosebleed mo sa mga terms na sinasabi ng Mama or ni Doktora L.A."

"Yes. Thank you and sorry na rin."

"What do you mean? Bakit ka nagsosorry?"

"Dahil nasungitan kita. Let's just say that I woke up in the wrong side of bed." -sabi nito at itinigil na ang sasakyan sa isang Coffee shop.

"Here we go. Dito ko na kayo dinala. May trabaho rin kasi ako eh."

Evergreen Coffee and Music Lounge ang nakalagay na sign sa napakaganda at napakalaking Coffee Shop.

Inilabas na nito ang wheelchair ng matanda at oxygen nito at kinarga ito palabas. Nagsilapitan na rin ang ibang crew na nakakakita sa kanila. Ito na ang nagtulak sa matanda papasok sa Evergreen. Dire-diretso itong lumakad papunta sa table sa pinaka-loob.

Nakita niyang naka-upo si Doktora L.A. doon. Ang ibang mga kasama nito ay kumakaway na rin sa kanila ng makita sila.

"Hi, Doktora!" -masayang sabi niya sa dalagang Doktora. 

"Off po niyo ngayon?"

"Yup. Magkakilala na pala kayo ni Grant." -nakangiting sabi ni L.A. sakanya.

"Yup!" Si Grant naman ang nagsalita at ipinuwesto na ang matanda sa bakanteng espasyo.

Tumayo ang lahat para mag-mano sa ginoo. Mukhang close na close ang mga ito sa matanda dahil nakangiti rin ang matanda sa mga ito.

I Knew you From the StartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon