Chapter 9.

17 0 0
                                    

Nagmamadali siyang tumakbo sa kalan ngunit nasanggi niya ang kutsilyo sa daan at babagsak sana ito sa sahig ngunit nasalo ito ng lalake.

Hindi nga lang niya iyon masyadong napansin, kasi nga mas inuna niyang pinatay ang kalan dahil baka magkasunog.

Lumingon siya dito at nakita niyang duguan na ang kaliwang kamay nito. Iyon kasi ang nakasalo sa kutsilyo.

"Oh my god! wait lang!" -sabi niya.

Medyo nagpanic siya pero alam niyang kahiya-hiya siya kapag nag panic siya dahil lang sa sugat. Kumuha siya nang malinis na tela at pinangtakip ito sa sugat para di umagos ang dugo nito.

Tumakbo siya para makahanap ng first aid kit. Ipinakita iyon ni Doktora Olive nung nag-uumpisa pa lang siya at kumpleto iyon.

Nagmamadali niyang pinaupo ang lalake sa may dining area at inilapag ang first aid kit sa lamesa. Tinanggal niya ulit ang tela at tiningnan kung gaano kalalim ang sugat.

"Pasensya na Grant." -gusto niyang maiyak. Dahil kasi sa ka-clumsyhan niya ay nasugatan pa ang kamay nito. 

Hindi naman iyon masyadong malalim pero mahihirapan itong tumugtog sa gig nito mamaya.

"Okay lang yun. Hindi naman malalim eh. Buti nga at hindi kanan ang naipangsalo kokundi mas mahihirapan ako mamaya sa gig." -sabi nito.

Hindi mo makikita sa mga mata nito ang galit man lang or inis sakanya.

Nilinis na niya ang sugat nito at binendahan ng maayos.

"Ano ba ang hawak mong instrumento?" -Vanilla

"Gitara pero marunong ako ng halos lahat ng instrumento. My first love was playing the piano." -Grant

"Wow. First love ko rin yun eh. I really wanted to play a piano, pero dahil na rin sa estado namin sa buhay ay hindi ako ma-i-enroll ni papa sa kahit na anong piano lessons." -Vanilla

"If you want, tuturuan kita when my hand gets better." -Grant

"Talaga?" -Vanilla

"Oo naman. Pero beware ha? I am a strict teacher." -Grant

"Don't worry. I will be a good student dahil sa pagiging clumsy ko at pagiging maldita. I will make you a perfect merienda ever. Just stay here and wait for it. Saglit lang ito." -Vanilla

Wala na itong nagawa kahit ipinilit pa nitong tumulong sakanya. Bago niya umpisahan ay nilinis na muna niya ang duguang sahig at naghugas ng kamay para sa pag-pe-prepare ng pagkain ni Grant.

Ginamit niya ang ginayat nitong sibuyas at nagbukas na lang ulit siya ng tuna.

Nagtimpla na rin siya ng juice at nang matapos ay inilapag niya ito sa harap.

"O kain na. Ibabalik ko lang itong first aid kit sa lalagyan." -sabi niya at akmang aalis na.

"Leave it for now. I don't wanna eat alone. Eat with me." -Grant

"Osige, gutom na rin ako eh." -Vanilla

Umupo na siya sa tabi nito at sinabayan na niya itong kumain. Nagkwentuhan sila nito hanggang sa matapos na nila ang pagkain.

Tumayo na siya para ligpitin ito, pero nakasunod parin ito sakanya at tuloy ang kwento tungkol sa mga kabarkada nito.

"Speaking of mga kalokohan namin pagkatapos ng gig, why don't you come with us tonight?" -Grant

 ==================================================

[a/n: bitin nnaman ba? Ehhhhhh. :') hahahahah. wait sa next chapter :*

Keep Basa pa din poooooo. *U* :))))))))))))]

I Knew you From the StartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon