Chapter 6.

46 0 0
                                    

"Oi Grant! Ipakilala mo naman sa amin si Miss Nurse." -nakangising sabi ng lalakeng ang buhok ay hanggang balikat at may pagka-wavy din yon.

Inilibot niya ang mga tingin niya sa lahat. May apat na babae doon at limang lalake.

"Ay oo nga pala, meet Vanilla. She's the new nurse that my mon hired. Nagtatrabaho siya dati sa pinapasukan ni L.A." -Pakilala nito sakanya at nagsingitian ang mga iyon.

"Vanilla. Meet my bandmates and my friends. Si Isaac, Vicky, Kiel, Aaron, Art, Mau, Sky, Noel at kilala mo na si L.A." 

Bawat pangalan na naipakilala ni Grant at kumakaway ang mga ito kaya naman ay alam niya kung sinu-sino ang mga ito. 

"Ay ang sarap naman ng pangalan mo." -nakakalokong sabi ni Vicky or mas kilalang BFF ng kengkoy na Doktora. "Favorite ko yan ehh." -nakangisi pa nitong sabi *u*

"Lahat naman kasi favorite mo, BFF. Wag ka nang umepal dyan at baka mapagkamalan ka na namang tomboy sa pinagsasabi mo."

"Don't worry, BFF. Kapag natomboy ako, ikaw ang una kong sasabihan."

"Dapat lang."

"At una kong ipagtatapat sayo ang aking one and only love of my stomach and intestine. Ikaw na ikaw na. Ikaw na ang apple of my eyes!"

"Yuck ka, BFF! Alam mo yung ibig sabihin ng YUCK? Ikaw yun ehh. Ikaw!" -natatawang saad ng Doktora sa bff nito. Kaya pala napapraning din ang Doktora dahil na rin sa BFF nito.

"Pagpasensyahan mo na ang mga iyan ha." -nakangiting sabi ulit ni Grant sakanya. Naagaw na nito ang atensyon niya. "Gusto mong magkape?"

"Ay sure. Isang Vanilla Frapp nalang."

"Ang cute naman niyong tingnan. Ngayon ko lang nakitang nagningning ang mga mata nung kolokoy na yan ahh." -nang-aasar na sabi ni Noel.

Nalaman niyang magkakasosyo pala ang mga ito sa Evergreen Coffee and Music Lounge kasama si Isaac.

"Paanong makinang?"

"Hmmmm. Katulad ng... ayun!" -itinuro naman ni Aaron ang makinang na baso sa may cashier kung saan binabayaran ang kape. May mga makikintab na baso kasi na nakatayo doon.

"Ganoon kaningning ang mga mata niya."

"Mukhang may masisilayan tayong magandang kinabukasan para sa pare nating iyon." -nakakalokong sabi naman ni Kiel sa kanila at nag-apiran pa ang mga ito dahil sa sinabi nito.

"Ikaw na bahala sa mokong na iyon ha?"

"Oi! Hinaharrass yata niyo ang nurse namin ah." -Grant

"Nurse nyo ka dyan. Nurse lang ni Lolo Gener yan."

"Pamilya ko naman si Lolo eh. So, she's our nurse no."

"Sabagay kailangan mo nga ng taga-alaga. Nurse Vanilla, try mo ngang i-check yang si Grant. May pagkabaliw din yan eh." -sabi ni Vicky sakanya at nagpeace sign ^_____^v

Masaya talagang kasama ang mga kaibigan nito kaya naman na-enjoy niya ang lakad nila.

Halata rin namang nag-enjoy si Lolo Gener sa pagkukulitan ng mga ito pero dahil nga may sakit at matanda na ay nagpasya na siyang iuwi na rin ito. Nagpahatid nalang siya pauwi dahil may trabaho pa sila. Si L.A. na mismo ang naghatid sa kanila.

"Ang saya pala nang samahan niyo ano, Miss L.A? Paano nga pala kayo nagkakila-kilala?"

"Well yung iba mga kababata ko. Si BFF, naging schoolmate sila ni Grant sa isang music school. Pursigidong matuto ng pag-piano noon si Grant. Ang dahilan lang ay hindi namin alam kung bakit. Medyo malihim din ang lokong 'yan ehh."

"Akala talaga namin ay kayo ni Sir Grant e. Kasi close kayo ni Doktora Olive tapos Mama ang tawag mo sakanya."

"Lahat kami ay Mama ang tawag kay Mama Olive. Lahat naman ng magulang namin ay tinatawag din naming Mama or Papa. Kami na yata ang may pinakamaraming magulang."

"Buti pa kayo." Nalungkot siya bigla. Wala nga kasi sa piling niya ang mga magulang.

"Don't worry. Ngayon ay mas lumawak na ang mundo mo. Dadami na rin mga magulang mo soon. Tska andyan naman si Mama Olive eh."

"Dumating na sila sa bahay nila Grant at pinagpahinga na muna si Lolo Gener. Masyado kasi itong napagod sa biyahe at kulitam mg mga bagong kaibigan. Pinagpahinga na rin muna siya ni Doktora Olive.

I Knew you From the StartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon