Chapter 8.

32 0 0
                                    

Hello Guysss! Sorry ngayon nalang ule nakapag update. Masyado busy e? :( :) 

Pero wait niyo lang.. Mag a-update naman ako e. Keep READiNG . VOTiNG . BE A FAN :)

Ingat Lahat ::*

Vanilla & Grant pic sa gilid ----------> o.O =))

----------------------------------------------------------------------------------------

"Gusto mo siya no? Wag kang mag-deny Grant, masasapak talaga kita.." -nakakalokong nakatitig sakanya si Doktora L.A..

Nagkayayaan na naman kasi silang magkape sa Evergreen. Lunch Break na iyon pero wala silang pakialam na magkakaibigan.

Sinabi rin kasi nila sa isa't isa na mas kagana-gana ang mga break nila kapag magkakasama sila. Siya na ngayon ang tampulan nang tukso ngayon.

"Ay naku.. wag mo na galitin si BFF. Lumalabas pagkabarako ehh." -napabungisngis na sabi naman ni Vicky sakanya..

"I cannot say I like her already... more like I am interested to get to know her more." -seryosong nakangiti namang sabi ni Grant

"Edi mas okay nga ang estado ninyo ngayon. Namamasukan siya sa bahay ninyo. Sabi ko na nga ba eh. Just the way you look at her." -nakangisi namang sagot ni Kiel dito.

"Basta for now, I want to get to know her and be her friend. Wala akong masamang intensyon or whatsoever.." -Grant

"Meron akong isang alam. She's living with his older brother sa Cavite while her parents and other younger siblings are living in the states. Sa pagkakaalam ko ay nahohome sick din siya. Try to make her feel at home, Grant.." -sabi naman ni Doktora L.A. na himala yatang matinong sinabi.

Nagulat pa nga ang lahat, lalo na ang BFF nito kaya naman tumayo at nilapitan nito ang Doktora. Hinimas nito ang noo ni L.A. at ikinumpara sa noo ni Grant..

"Wala ka namang sakit. Bakit ang serious mo? Puyat ka?" -Vicky

"Medyo BFF. Pero may tanong ako." -L.A.

"Ano yun? I-shoot mo lang." -Vicky

"Bakit hindi mo tsinek sa sarili mo kung ayos lang ako? Yung pagsalat-salat ek-ek mo dyan.." -L.A.

"E alien ako eh. Iba temperature ko." -nakangising sabi ni Vicky.

Nag-umpisa na namang magharutan ang dalawa. 

Pero napaisip rin siya. She seriously isn't 'at home' pa. He needed to do something about it.

Marami nang nagbago sakanya. Hindi lang sa itsura pati na rin sa ugali niya. Hindi siya madaling mauto pero bakit parang gusto niyang magpauto sa mga ginagawa ng binata sakanya. Hindi siya makapaniwala. Pagdating na pagdating nito galing sa trabaho ay nilapitan kaagad siya nito. -Vanilla

"Pagpasensyahan mo ako nung isang araw ha. I mean yung pagtitig-titig ko sa iyo. I don't want you to think na manyak ako or something. Can we just be friends?" -Grant

Inulit ulit nito ang itanong sakanya dahil sa pagka-shock niya. Hindi niya talaga inaasahan na gusto pala nitong maging magkaibigan sila. Ito na rin mismo ang gumagawa ng paraan para magkalapit sila..

She's been in the mansion for almost two weeks at wala pang progreso ang mga pinaplano niya. Masyado rin kasi siyang busy at pati na rin ito..

"Ahhh... S-syempre naman. We can be friends." -sabi niya at kinuha na niya ang kamay nitong inilahad nito kanina pa.

Masayang hinila siya nito to give her a hug. Naririnig niya ang tibok ng puso nito at medyo mabilis iyon. Napangiti siya. Mukhang kinakabahan rin pala ang lalakeng ito.

Itinulak niya ito papalayo at ngumiti.

"Ang alam ko naman ay hindi tayo magkaaway. Nagmeryenda ka na ba?" -Vanilla

"Hindi pa nga eh. Nagkape at nagtanghalian lang ako kasama ng barkada tapos ay inabala ang sarili ko hanggang sa magalas-kwatro nang hapon tapos ay umuwi. May gig kasi kami mamaya kaya maaga rin ako uuwi." -Grant

"Sige, gawan na lang kita ng tuna melt at juice. Wait ka lang ha?" -sabi niya dito at lumakad na patungo sa kusina.

Naramdaman niyang sumusunod ito sakanya. At nung pumwesto na siya sa gilid ng kalan para magprepare ay tumabi ito sakanya.

"Let me help you. What should I do?" -Grant

"Sure ka?" -Vanilla

"Oo naman. Ako pa. So, what should I do?" -Grant

Ibinigay niya ang sibuyas dito. Sira-ulo talaga siya minsan. Halata naman kasing walang alam ito when it comes to cooking pero dahil nga may pagkasira-ulo siya ay ibinigay niya ito dito.

"Kalahatiin mo lang, tapos ay hatiin mo ng maliit."

Idinemonstrate niya ang gagawin nito para naman hindi ito mahirapan pa.

Tumango naman ito at kinuha na ang kutsilyo sa kanya. Niluluto na niya ang Tuna Flakes in Vegetable Oil pero malapit na siyang matapos ay hindi parin ito natatapos sa paghihiwa nito ng sibuyas. Pupungas-pungas na rin ito.

Ang cute niyaaaa! *u* :)))

Gusto niyang mang-gigil dito dahil na rin sa ipinapakitang pagka-helpless nito at maluha-luha dahil nga sa paghihiwa nito ng sibuyas. Hindi niya tuloy mapigilang mapabungisngis. Doon ito napatingin sa kanya.

Ang mga labi nito ay nakangiti ngunit hirap itong imulat ang mga mata at may luhang dumadaloy sa mga mata nito..

"Sorry ha. First time ko kasing maghiwa nito eh." -sabi pa nito at ipinagpatuloy ang paghiwa.

Para naman siyang naguiguilty at wala sa sariling pinahid niya ang luha nito. Napatigil tuloy ito at pilit na iminumulat ang isang mata para matingnan siya ng maayos. Napatawa na naman siya.

"Halika nga dito." -Vanilla

Hinila niya ang lalake sa lababo at binuksan niya ang gripo. Inilahad niya ang kamay sa tubig at siya na mismo ang nagpahid ng tubig sa mga mata nito.

Pumikit lang ito at hinayaan siya nito sa ginagawa. Maya maya ay may naaamoy siyang nasusunog.

"Hala!" -Vanilla

---------------------------------------------

[a/n: hello. bitin noh? HAHAHA. tinamad nako e :( next time nalang ule ako mag a-update. baka bukas try ko. =)))))) Keep Reading Guise!! mwamwa =*]]

I Knew you From the StartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon