Denisze Nareen's POV"Kinakabahan ako na nae-excite. Kayo?"
"Same feels."
"Kaya 'yan. Itaas natin ang bandera ng Transville Institute."
"Gaga, wala tayong dalang bandera."
"Ikaw! Mukha ka namang flagpole."
"Ikaw, mukhang tadpole."
"HAHAHAHAHA."
"Tama na 'yan. Tara na."
Magkakasunod kaming pumasok sa loob ng Sacred Heart Hospital, the place for our Immersion, and this will be the first day that's why we're all tense and a little tremulant after stepping on the marmolled flooring.
Agaran kaming bumati sa mga nurses na nasa information desk.
Umupo kami sa waiting area since hindi pa kami naa-assigned kung saang department kami dapat.
"Kinakabahan ako." Bulong ni Jovit na rinig naming anim.
"Parang ang tatapang ng mga nurses." Bulong din ni Moreno.
"Mas maton naman 'yang katawan mo. Kung mukha silang matapang, mukha ka namang wrestler na masahista." Pabulong kaming natawa sa sinabi ni Jovit.
Ilang saglit pa ay dumating na ang mismong may-ari ng hospital. Napaka-sopistikada niyang tinitingnan and she looks more like a businesswoman than a doctor herself.
Binati siya ng mga nurses at ganoon din naman ang ginawa naming pito.
Pagkatapos niyang saglit kausapin sila ay binaling niya ang kaniyang paningin sa amin."Nakapag-submit na ba kayo ng curriculum vitae niyo lahat?" She asked.
"O-Opo."
"Nasaan ang adviser in-charge sa inyo?" Nagkatinginan kami at nagsenyasan kung sinong sasagot.
"I-Inasikaso niya po ang iba naming mga kaklase na nasa Glorvest." Magalang na sagot ni Angela at tumango-tango naman siya.
"Most of you perhaps already decided to enter the field of medicine as your specialization in College but it wouldn't be surprising if you still feel uncertain as to what career are you going to choose and the path that you'll be taking. However, nandito kayo ngayon hindi dahil fully decided na kayo. Last minute, maaaring may mag-back out. But always remember that we may not find the best things that are meant for us until hindi tayo sumusubok. Marami pa kayong haharapin, this is just the beginning, huh? Hindi na rin ako magtatagal. Kailangan niyong pumili ng Department."
"Med-Tech po." Sagot ni Argentina.
"Med-Tech po." Si Moara naman.
"Sa Med-Tech din po." Sagot ko din naman.
Med-Tech din ang sagot nila Jovit, Moreno, Angela, at Shakira. In short pare-parehas kaming lahat at walang planong magkahiwa-hiwalay.
Naningkit si Mrs. Perez na waring hindi malaman o hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. Pagkatapos bumuntong-hininga ay muli siyang nagsalita.
"Hindi kayo puwedeng pito sa iisang Department. Sinong gustong umiba at lumipat? Balak niyo bang mag-MT lahat?"
Nagkatinginan kami na parang walang gustong mag-solo. Ilang saglit pa,
"Sa Rad-Tech na lang po kami." Sabi ni Shakira sabay kapit sa braso ni Angela at wala naman siyang choice kundi ang mapatango na lang.
"Good. Sino pa?"
BINABASA MO ANG
How Did We End Up This Way
RomanceDesperate Series #1 Denisze Nareen Sazura Yachengco has it all. Almost. She has supportive friends and a comfortable lifestyle. Atleast, sa mata ng iba. Ayos naman sana, kung hindi lang sa isang sitwasyon na kinasasadlakan niya. The worst thing is...