Warning: The following chapter contains vulgar scenes, hate speech, and sexual abuse, which are not suitable for young readers and might be upsetting for some. Discretion is highly advised.
Nareen's POV
Nagpasimula akong umakyat sa hagdan at narinig ko naman ang mga yabag niya papasunod sa akin.
Hindi ko na iyon inintindi pa dahil naiinis pa din ako sa mga pinagsasabi ni Mama. It's my friends we're talking about. Napakalayo ng sinasabi niyang bad influence sila sa akin.
Si Glean pa nga lang, eh. Dumiretso ako sa room ko at nagtuloy-tuloy sa pagpasok.
"Nareen."
Natigilan lang ako sa paghihimutok nang marinig ko ang pangalan ko sa kaniya. I faced him, pero mas lalo lang akong natigilan nang marinig ko ang pagsarado at pagkaka-lock ng pinto.
Damn it! Sumunod nga pala itong badtrip na ito.
"What are you doing here?" Tanong ko. Hindi pinapahalatang natigilan.
"I just wanted to talk to you. Umalis ka doon, hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo."
"And? Why do you care?"
"Kinakausap ka pa ng Mama mo. Pinagsasabihan ka lang niya, intindihin mo siya."
"Oh, come on. Stop acting like you really care."
"I do." Naglakad siya papalapit sa akin at awtomatiko naman akong napaatras. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.
"I miss you." Ngumisi siya.
"Gago."
Ang lakas ng loob niya.
"Iyan din ba ang natututunan mo sa mga barkada mong lalaki?"
"Gago ka. Lumabas ka na ng kwarto ko ngayon din kung ayaw mong sumigaw ako."
"Edi sumigaw ka. I miss hearing you scream, though. Lalo na kapag nasa ilalim kita." Mas lalo siyang napangisi at lumapit sa akin.
"Fvck you! Umalis ka na."
Sa harap ni Mama ay akala mo para siyang isang Santo. Pero kapag kami na lang dalawa ay ganito siya. Nakakaputang-ina.
Hindi siya nagpatinag. Naglakad siya nang naglakad at paatras naman ako nang paatras hanggang sa mapasandal na lang ako sa bedside table ko.
Hindi ako nagpahalatang kinakabahan, pero sa tingin ko ay alam niya na iyon. Alam kong nararamdaman niya ang kaba ko ngunit kahit ganoon ay pinilit kong magpakatapang.
Dahil tapang lang ang magagamit kong proteksyon laban sa kaniya.
Itinuon niya ang parehong palad sa magkabila kong gilid. Sobrang lapit namin sa isa't-isa. Hindi ako halos makahinga.
"How long have I been waiting for you to do that?" Hindi ko naintindihan sa una kung anong connect ng sinabi ko sa kaniya ngunit nang maintindihan ay mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.
"Ganiyan na ba talaga kalakas ang loob mo? You're saying that habang nandito ang Mama ko na asawa mo?"
"Why? I'm not doing anything to you. Not yet."
"Lumabas ka na dito sa kwarto ko. Kung ayaw mong ibunyag ko lahat ng baho mo."
"Magagawa mo nga ba 'yon, Nareen? I know you. Wala kang magagawa. Dahil mahina ka. At mas lalo kang manghihina kung gagawin ko ito."
BINABASA MO ANG
How Did We End Up This Way
RomansaDesperate Series #1 Denisze Nareen Sazura Yachengco has it all. Almost. She has supportive friends and a comfortable lifestyle. Atleast, sa mata ng iba. Ayos naman sana, kung hindi lang sa isang sitwasyon na kinasasadlakan niya. The worst thing is...