Nareen's POV
He tilted his head and continued the hell he was doing with.
Unti-unti niyang minulat ang mata at sinalubong ang titig ko.
Paibaba niya akong tinitigan habang ang kamay niya ay nasa bibig ko pa, nagsisilbing harang sa pagitan ng lips ko at ng kaniya.
"Nandiyan na si Ma'am Jouenne pero hindi pa ako tapos. Sa susunod, labi ko na ang haharang sa labi mo." Hingal akong napatingin sa kaniya. Hindi makapaniwala.
Itinulak niya ang sarili palayo sa akin at saka tumayo ng maayos.
Ilang saglit pa ay dumating na nga si Ma'am Jouenne. Napatingin siya sa amin ni Sir.
"Sir. . ." Bungad niya.
"Good afternoon, Ma'am." Si Sir ang bumati sa kaniya samantalang lutang pa din ako ngayon.
"Nareen? Nasa labas na mga kasama mo. May ginagawa ka pa ba?"
Napapikit-pikit ako at napakagat sa aking labi. I even cleared my throat because I am still in dazed. Ang hirap mag-react ng maayos dahil sa nangyari.
Tumingin ako kay Ma'am pero tumango lang ako at saka naglakad papalabas sa laboratory at sa labas ng Sacred Heart Hospital. Nakalapit ako sa mga kasama ko nang hindi ko namamalayan.
"Grabe, ang tagal mo naman Nareen." Bungad ni Sevec sa akin.
"Oh, bakit mukha kang nalugi diyan?" -Jovit.
"Halla! Pinagalitan ka ni Sir, ano?"
Napabuntong hininga ako at nag-angat ng paningin sa kanila. Nangunot ang noo ko nang makita ko ang barkada pwera kay Meghan pero wala akong sinabi.
"Anong pangalan nung kinausap niyo kanina? Nurse dito iyon?" Tanong ni Lexus. Isa sa barkada.
"Med-tech. Superior namin." Sagot ni Moara sa kaniya.
"Ganda, ah. Anong pangalan?" Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Ba't ang tahimik mo?" Nagulat ako at napatingin sa kaniya. Taka naman siyang tiningnan ako.
"Why are you making that kind of face, Nareen? Fvck! Did you just fall for me?"
"Gago!" Asik ni Glean.
Natawa naman itong katabi ko at saka pa ginawang pagsandalan ang balikat ko. Nang makabawi sa sinabi niya ay saka ko siya siniko at pagkatapos ay lumapit kay Zechiah na kausap si Gavin, ang isa sa barkada naming nagkakagusto sa kaniya.
Nag-beso kaming dalawa.
"Hey." Bati ni Gavin at saka ako ginawaran ng mabilis na halik sa pisngi.
Normal namin itong batian na magkakaibigan sa tuwing nagkikita kami. Pero nang dahil doon ay muli kong naalala ang nangyari sa pagitan namin ni Sir Ethan.
"Nasaan si Meg?" Tanong ko kay Zech.
"May bisita daw sa bahay nila." Tumango-tango naman ako.
"May lakad ata ang barkada niyo, ah. Hindi na lang ata kami sasama."-Angela.
Napalingon kami sa kaniya.
"Oo nga. Hatid niyo na lang kami sa sakayan, haha." - Shakira.
"You can come with us. It's alright." - Gavin.
"Pumayag na kayo kanina, diba? Hindi na kayo pwedeng tumanggi." -Glean.
"Hindi naman kami makakaistorbo sa inyo. Lalo pa at parang pares-pares kayo." -Moreno.

BINABASA MO ANG
How Did We End Up This Way
RomanceDesperate Series #1 Denisze Nareen Sazura Yachengco has it all. Almost. She has supportive friends and a comfortable lifestyle. Atleast, sa mata ng iba. Ayos naman sana, kung hindi lang sa isang sitwasyon na kinasasadlakan niya. The worst thing is...