Nareen's POV
Dumiretso kami sa Rad-Tech Department after nang examination.
"Nag-quiz na kayo?" Tanong ni Angela.
"Mmm. Katatapos lang." I answered her.
"Kamusta naman?"
"Okay lang naman result."
"Niya." Turo sa akin ni Argentina. "Sa kaniya lang okay. Bagsak kami ni Moara."
"Ginagawa niyong dalawa?"
"Hirap kaya nang mga tanong." Buwelta niya saka siya umupo.
"Oy, pero may napansin ako kay Sir Ethan." Singit ni Moara sa usapan.
"Ano? May tinatago ba siyang picture ko sa wallet niya?" Pagbibiro naman ni Shakira.
"Muret ka talaga. Hindi pantay 'yung ano niya."
"Hoy, anong hindi pantay, ah?" Napalingon kaming lahat sa entrance. Si Jovit at Moreno.
"May pagpupulong na pala kayong ginagawa dito, hindi kayo nagsasabi. Ano nang sabi ni Rizal? Sasali na daw ba siya sa katipunan?" -Moreno.
"Kasing-panahon mo nga pala sila Bonifacio, ano." - Jovit.
"Mas nauna pa siya kamo sa kanila." Natatawang asar din naman ni Arge kay Moreno.
"Ay, oo nga pala. Mayroon ka na pala nung mga panahon pa ng timawa."
Tuloy ay nauwi kami sa tawanan.
"Pero ano na ba kasi 'yung hindi pantay?" Muling pang-uusisa ni Jovit kay Moara. Napatuon din ang atensyon namin sa kaniya.
"Napansin ko kasi kanina after quiz namin. Hindi pantay 'yung ano niya."
"Gaga. Ano ka ng ano diyan. Ba't 'di mo na lang kami diretsuhin? O baka gusto mong bukas na lang natin ituloy ito? Nasa teleserye tayo? To be continued ganern?"
"HAHAHAHAHA."
"Sorry naman, eto na. Pansin ko kasi habang tinitingnan si Sir kanina, hindi pantay mata niya kapag pumipikit."
So, napansin niya din pala. Iyon din ang napansin ko kahapon pa hanggang kanina everytime na mapapatingin ako sa kaniya.
There's something strange in his eyes, and that is he has an uneven eye blink.
"What do you mean?" -Angela asked.
"Hindi nga pantay! Kapag pumipikit siya halimbawa, mauunang pipikit 'yung kanang mata niya then kasunod 'yung isa."
"Ang weird naman!"
"Nakakatakot!"
OA na litanya ng mga bakla.
"Baliw, hindi kaya! Ang cute nga, eh habang tinitingnan ko siya."
"Check natin." - Yaya ni Moreno kay Jovit.
"Hoy, huwag kayong papahalata."
"Tara, tingnan natin."
And with that, we all exited the X-Ray Room at tumambay sa labas ng Med-Tech Dept. habang sumisilip-silip sila Jovit sa Information Desk kung nasaan ang mga superiors namin including Sir Ethan.
"Hindi ko makita." Reklamo ni Jovit.
"Tara sa waiting area."
Nagpasimula silang maglakad nang magsalita ako para mapigilan sila.
BINABASA MO ANG
How Did We End Up This Way
RomantizmDesperate Series #1 Denisze Nareen Sazura Yachengco has it all. Almost. She has supportive friends and a comfortable lifestyle. Atleast, sa mata ng iba. Ayos naman sana, kung hindi lang sa isang sitwasyon na kinasasadlakan niya. The worst thing is...