Chapter 3

89 18 28
                                    

Nareen's POV


Nadatnan namin si Ma'am Cynthia at Ma'am Lorella sa loob ng laboratory. Mag-7am pa lang pero mukhang kagabi pa sila nandito. Binati namin sila bago kami muling nagtungo sa likod para ilagay doon ang mga gamit namin.

This will be our last day. Ang bilis nang araw. Parang kailan lang nung una kaming tumapak dito sa Sacred Heart Hospital. We didn't thought thoroughly of our actions dahil ang importante lang naman nang oras na iyon ay makapag-comply kami sa Immersion namin. We met these people working in medical industry at masasabi kong, I am lucky I got to know them all.

For the last 4 days nang pananatili ko dito, ang dami kong natutunan at alam kong mas marami pa 'kong matututunan sa kanila sa susunod.

Balik kami sa usual routine namin. I was the one encoding the results sa Computer, Argentina on the logbook and si Moara naman ang nakatoka sa paghatid ng test result. Nagpatuloy iyon hanggang sa matapos kami mag-lunch.

"Ayaw ko pang umalis dito sa Sacred." Malungkot na ani ni Jovit sa amin. Narito kami sa loob ng Lab mismo samantala nasa radtech dept. naman sila Shakira at Angela at nasa information desk naman ang dalawang superiors namin.

"Pwede ka pa naman magpaiwan dito kung gusto mo. Ako na ang gagawa ng paraan para dumito ka muna." Saad naman ni Moreno sa kaniya.

"Ang sweet mo rin sa'kin, ano."

"Oo naman. Gagawin kitang pasyente dito para makapag-stay ka pa nang matagalan."

Natawa naman kami habang sumimangot sa kaniya si Jovit.

"Palibhasa ikaw pasyente ka na dati pa kaya gustong-gusto mo na makaalis dito, eh." -Jovit.

"Oo, naging pasyente ako nung nanganak ako sa pinagbubuntis ko no'n. Si sir Hernan nga pala ang ama."

"Gagi, Moreno." Tawang-tawa na komento ni Argentina.

"Kadiri ka." - Moara.

"Kaya pala nagmukha kang butanding, eh. Pero iba ang tinutukoy ko. Matagal ka ng pasyente pero hindi sa ganitong Hospital. Do'n ka sa asylium." - Pambawing pang-aasar ni Jovit sa kaniya.

Pumamewang naman na humarap sa kaniya si Moreno.

"Payag ako basta spell Asylum."

"Mental na lang pala. Ikaw naman, hindi na mabiro." -Jovit.

Mas lalo tuloy kaming natawa sa pag-aasaran nilang dalawa.

Natigil lang kami nang pumasok si sir Ethan sa loob. Lahat kami napalingon sa kaniya at gano'n din siya sa amin pero mabilisan lang iyon, umiwas din siya kaagad.

"Alis na kami. Rereview pa kami para sa quiz mamaya." Bulong ni Jovit sa aming tatlo.

"Siya pala totoong nakabuntis sa akin hindi si Sir Hernan." Mas mahinang sabi naman ni Moreno sa'min habang napapatingin pa kay Sir Ethan. "Ang gwapo." Walang tunog na aniya. Napairap na lang kami at pinagtabuyan na namin sila palabas.

I just wonder as to why Sir Ethan is here na. Pero from the looks of it, mukhang kadarating niya lang. Inilapag niya sa likod ang dala niyang bagpack. He's also wearing  an eyeglass, his hair kinda deshiveled.

 Hindi rin naman namin magawang tatlo na kausapin si Sir Ethan. Buti na lang pumasok din si Ma'am Cynthia kasama si Ma'am Lorella sa loob.

"Gusto niyo nang mag-quiz ngayon?" Tanong sa amin ni Ma'am Lorella.

Nagkatinginan kaming tatlo.

"Madali lang naman. Hindi ko na hinirapan, baka 'di na kayo bumalik dito sa Sacred Heart next year, eh." Natawa kami sa tinuran niya.

How Did We End Up This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon