Chapter 2

93 19 7
                                    

Nareen's POV

"Mga basics lang ang ituturo ko sa inyo since sa College naman talaga actual na ituturo sa inyo lahat ng dapat niyong matutunan sa Med-Tech." Pagsisimula ni Ma'am Jouenne.

Nakatayo siya sa harapan namin ngayon habang tahimik kaming nakikinig sa kaniya. Nakamasid lang naman sa amin si Ma'am Lorella.

"Familiar naman na kayo sa mga record books natin. Ang main logbook na ginagamit natin, una ay ang Serology. Diyan inilalagay ang mga different tests such as Pregnancy testing, dengue duo, HBSAG and PSA or Prostate Specific Antigen. May logbook din tayo for Hematology which is I know, pinaka-familiar sa inyo. Diyan nire-record ang tests for blood typing and Complete Blood Count. Mayroon din tayong Clinical Microscopy for Urinary test, Fecalysis para naman sa waste and Clinical Chemistry for sugar and blood chem."

Kaniya-kaniya kami ng lecture na tatlo. Magandang makinig kay Ma'am dahil bukod sa maganda siya, ay nag-eenjoy din akong makinig sa discussion niya.

"Patungkol naman sa mga Ward natin, mayroon tayong Male, Female, Private and Pediatric Ward. Delux naman ang nasa 2nd floor. Ito ang tinatawag natin na Warding Box." Sabay pakita sa amin noong plastic na kahon.

"Kung makikita niyo sa loob, mayroon tayong tatlong syringes. Itong kulay orange ay 1CC na ginagamit para sa mga bata at kung minimal lang 'yung blood na kukunin mo. Itong color green naman ay 3CC for children and also for older ones and atleast 3ml of blood to be taken."

Natigil si Ma'am Jouenne sa pagsasalita nang may nagbukas ng pintuan. Hindi ko nakita kung sino dahil nakatalikod ako sa pinto at nakaharap kay Ma'am.

"Continue your lesson, Ma'am." Rinig kong sabi nang mula sa hindi pamilyar na boses na iyon.

Nang lingunin ko ay bahagya akong nagulat. 'Yung lalaking pumasok din dito sa laboratory kahapon na hindi namin kilala.

"Kilala niyo na ba si Sir?" Tanong ni Ma'am Lorella sa amin.

Muli naman kaming napatingin kay Sir na nakasandal lang doon sa swivel chair at bahagyang nakangiti habang nakahalukipkip.

"Siya si Sir Ethan. Nag-iisang lalaki na Medical Technologist dito sa Sacred Heart Hospital. Sir, mga galing sila sa Transville. Si Argentina Jeanne na hindi ko na tatapusin ang pangalan sa sobrang haba nito. Si Moara Anitha Briones at si Denisze Nareen na hindi ko na rin tatapusin ang buong pangalan dahil masyadong mahaba. Talagang gusto kayong pahirapan ng parents niyo, 'no. Siguro nahirapan si Nanay niyo na iluwal kayo kaya bumawi siya sa pangalan niyong dalawa." Biro niya pa sa amin at muli na lamang kaming natawa.

Muli kaming tiningnan ni Sir pero wala naman siyang sinabi. Sinimulan niyang kausapin si Ma'am Lorella sa mas mahinang boses at nagpatuloy naman si Ma'am Jouenne sa pagdi-discuss.

Mabilis na natapos ang discussion namin dahil kahit mabilis kung magpaliwanag si Ma'am Jouenne ay naiintindihan naman.

Pagbalik namin sa Hospital matapos ang tanghalian ay wala na si Ma'am Jouenne at naghahanda na ring umalis pati si Ma'am Lorella. Babalik daw siya for night shift ganoon na rin si Ma'am Cynthia. Minsan ay hindi ko talaga maintindihan ang schedules nila.

Maayos naman kaming nagpaalam sa kaniya. Nag-uusap usap kaming tatlo sa loob ng laboratory nang pumasok si Sir Ethan. Actually ay siya ang pinag-uusapan namin dahil up until now ay hindi kami makapaniwala na isa rin siyang Med-Tech.

Akala namin ay isa siya sa mga nurse dito sa Ospital pero never talagang sumagi sa isip namin na MT siya.

Pinanood lang namin siyang magsagawa ng centrifugation na ayon kay Ma'am Jouenne kanina ay usually 5-10 minutes ang processing.

How Did We End Up This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon